Advertisers
Ni Juliet Pacot
KUMPIRMADONG “in” na sa eksena ang rumored GF ni Coco Martin na si Julia Montes sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang longest-running primetine series ng ABS-CBN.
Balik-tambalan ang dalawa matapos umeksit sa eksena si Jane de Leon (Capt. Lia Mante) at papasok naman si Julia bilang bagong karakter.
Inihayag ng ABS-CBN noong Miyerkules na burado na sa buhay ni Cardo Dalisay si Jane dahil gagawin na ng aktres sa Setyembre ang lock-in taping ng Mars Ravelo’s DARNA The TV Series.
Ngayong Hulyo 30, Biyernes ng umaga, nag-storycon ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN kaugnay sa pag-entra ni Julia sa pambansang teleserye.
Maliban kay Julia, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano ang mga bagong karakter nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo at Joseph Marco.
Ilang taon na ang panawagan ng fans na pagtambalin muli sina Julia at Coco kasunod ng phenomenal TV drama na Walang Hanggan, na umere noong Enero-Oktubre 2012.
Kapana-panabik ang pag-entra ni Julia sa ikaanim na taon ng longest-running action-drama series ng bayang magiliw!
Ang tanong ng bayan, aamin na ba sila sa kanilang relasyon?
Marami ang komento ng netizens sa social media na parang utang-uta na kung bakit hindi pa rin natatapos ang teleseryeng ito ni Coco.
Pero ayon sa sitsit ng mga tsismosong netizens, posible kayang sa pagpasok ni Julia sa eksena ay magkaroon kaya sila ng baby ni Coco sa kuwento ng FPJAP? Totoo kayang hindi raw sila sa NCR magla-lock in taping? Maghahanap daw ng malayu-layo at magandang probinsya na hindi ganoon kahigpit ang COVID restrictions?