Advertisers

Advertisers

Gretchen nahawa na kay Atong sa pagiging sugarol; Sharon balik-Pinas pero ‘di pa rin nakikita ang pamilya

0 543

Advertisers

Ni JULIET PACOT

TILA nahawa na sa pagiging sugarol si Gretchen Barretto sa tinaguriang gambling king na si Atong Ang.

Ito ay matapos kumalat at bumalandra ang video ni Gretchen kasama si Atong habang himas-himas ang isang manok sa isang sabungan.



Sinasabing ang aktres ang tinutukoy na may-ari ng panlaban na manok na “Lady Tiger” na ang handler ay si Atong.

Naganap ang video nitong Hulyo 30 sa 12-Stag Derby na WPC 2029.

Naging tampulan naman ng tukso ang dalawa ng netizens na sinasabing magsyota at lantaran na ang kanilang relasyon.

Nauna nang itinanggi ni Gretchen noong 2019 na may relasyon ito sa negosyanteng si Ang.

Noong Nobyembre 2020 nang masangkot sa kontrobersiya ang dalawa na nakitang magkasama habang kausap ang mga sabong operator na nagresulta sa paglabag sa health protocols.



***

EMOSYUNAL si Megastar Sharon Cuneta na nakabalik na ng Pilipinas  galing Amerika pero sa halip na maging masaya, sad story ang naging ending dahil hindi agad nito makikita sa loob ng ilang linggo ang mga mahal niyang “babies”.

Babies ang tawag ni Sharon sa kanyang pamilya na kinabibilangan ng kanyang asawang si Senator Kiko Pangilinan at apat na anak.

Pagkalapag ng eroplano galing airport, diretso agad si Megastar sa isang hotel malapit sa building na pansamantala nitong magiging tirahan sa loob ng sampung araw habang naka-quarantine dahil sa health protocols.

Lungkot ang peg ngayon ni Sharon dahil sabik na siyang makita ang kanyang pamilya.

Abot-tanaw na lamang ng aktres ang asawa na panay ang kaway sa kanya sa labas ng building.

“Same building as our home, but in the other half where the hotels is.  I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me”.

Sabi pa ni Sharon sa kanyang social account.

Going through so much so please pray for me,”  ayon pa kay Sharon. “Kahit talaga anong tino ng pamumuhay mo, magkakaroon ka pa rin ng problema.  Pero mabait ang Panginoon and He has never let me down, and so I lifted everything up to Him and I trust in Him completely”, sabi pa ni Sharon.t