Advertisers
SUMANDAL ang Creamline sa veteran upang ipatikim sa nakakabatang kapatid na Choco Mucho ang kanilang unang kabiguan, 18-25, 25-9,21-25,25-18,15-6, at dakmain ang unang semifinal spot sa Premier Volleyball League Open Conference sa PVC Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.
Pinamunuan ni star spiker Alyssa Valdez ang opensiba ng Cool Smashers sa tinipang 22 points, tampok ang 18 attacks, three aces at block. para itala ng Creamline ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay at masungkit ang No. 1 spot.
Michelle Gumabao umiskor ng 19 points, at 17 kills,habang si Tots Carlos nagrehistro ng 16 markers,Jeanette Panaga bumakas ng 13 tampok ang anim na blocks at Risa Sato nagdagdag ng 12.
Jia Morado naglatag ng 37 excellent sets.
“One thing that our coaches keep on reminding us is to really just play, let it all out inside the court,” Sambit ng 28-year-old Valdez.
“We really just have to play for each other and all throughout the game may mga struggles and may mga lapses pa rin but I think all the shouting and ‘yung pagchi-cheer ng lahat nakita niyo naman it really helped the team,” Dagdag pa ng three-time UAAP MVP mula sa Ateneo.
Ang tagumpay ay perfect welcome para kay coach Tai Bundit, na gumabay sa unang pagkakataon ngayon conference matapos ang kanyang quarantine.
Tolentino ay umiskor ng 16 points,habang si Maddie Madayag at Ponggay Gaston may 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa choco Mucho.