Advertisers

Advertisers

Sen. Ping walang balak ilaglag sa pagka-VP si Sen. Tito sa 2022

0 297

Advertisers

TANGGAP ni Sen. Ping Lacson ang pagtanggi ni Vice President Leni Robredo sa kanyang mungkahi na ‘sure unification formula.’

Sey ni Sen. Ping, “it was a selfless move on my part to offer the unification formula to VP Leni Robredo since she was after a unified opposition/front in 2022.

“After all, it was her objective for liaising with different forces or candidates inluding Mayor Moreno, Sen. Pacquiao, Sen. Gordon, among others.”



Dagdag pa ng presidentiable,  nirerespeto raw niya ang desisyon ng bise presidente na tanggihan ang kanyang mga suhestyon sa anumang kadahilanan nito.

Malakas umano ang pakiramdam ni Lacson na nandun pa rin ang interes ni Robredo na tumakbo ring pangulo sa 2022.

Bagama’t aminado anya siya na may ilang komplikasyon na dulot ang kanyang mungkahi, sinsero ang kanyang alok bilang suporta na rin sa  kagustuhan ni Leni na magkaroon sila ng magkaparehong kandidato sa kung sinuman ang bet ng administrasyon.

Tsika pa ni Sen. Lacson, nakapaloob din daw sa kanyang suggestion na gawing common candidate nila ng bise presidente si Senate President Tito Sotto para patunayang wala siyang intensyon na abandonahin ang kanyang partner na senador.

“I have  a commitment to my partner that come hell or high water, talagang itutuloy na namin to,” pahayag ni Sen. Ping.



Nagpapatunay lang ito na tuloy na ang tambalang Ping-Tito sa pagka-pangulo at bise-pangulo ng bansa sa 2022 eleksyon. (BLESSIE K. CIRERA)