Isko pinasaringan ni Duterte na ‘di marunong mag-organisa sa pamamahagi ng ayuda, ‘training call boy’
Advertisers
INAMIN ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi niya tiyak kung siya ang pinapatamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘Talk to the People’ nitong Lunes ng gabi.
Reaksyon ito ni Moreno matapos sabihin ng pangulo na may isang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang hindi na bibigyan ng kapangyarihang mamahagi ng ayuda sa mga residente dahil hindi ito marunong mag-organisa.
Ayon kay Moreno, wala pa siyang natatangap na mensahe mula sa pangulo kaugnay sa nasabing isyu.
Sinabi ng pangulo nitong Lunes ng gabi na inatasan niya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na itake-over ang pamamahagi ng ayuda sa isang lungsod na hindi pinangalanan.
Samantala, agad naman ipinakita ni Domagoso ang kanyang tinanggap na certificate of recognition mula sa DILG bilang pagkilala sa maayos at mabilis na distribusyon ng ayuda o government aid sa Lungsod ng Maynila.
Gayunman, isang “smile emotion” lamang ang naging tugon ni Moreno nang tanungin kung ang ginawa niyang pagpapakita ng smile emotion ay pang counter sa pahayag ni Duterte.
Noong Biyernes ng gabi, sinabi ni Moreno na natanggap na ng Maynila ang P1.487 bilyon cash aid kungsaan sisimulan sa Miyerkules (ngayon) ang pagpapamahagi ng P1,000 kada indibiduwal hanggang P4,000 kada pamilya.