Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SOBRANG nabigla ang nag-iisang Superstar ng bansa na si Ms. Nora Aunor nang makarating sa kanyang kaalaman ang pagpanaw ng isang taong malapit sa kanyang puso at tinuring na halos na isang kapamilya, ang beteranang TV producer na si Kitchie Benedicto.
Si Kitchie ay isa sa may-ari nang sikat na istasyon noon kapanahunan ng Martial law, ang Kanlaon Broadcasting System, o mas kilala sa RPN Channel 9 sa Broadcast City. Si Kitchie ang naging daan para maging ganap na Superstar si Ate Guy sa pamamagitan na pagpoprodyus niya ng longest-running weekly show na “Superstar”.
“Si Ate Kitchie ang isa rin sa mga unang nagdirek ng mga programa ko na umere sa Channel 9,” recalled Aunor. “Twenty-two years tumagal ang ‘Superstar.’ Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit tumagal ng mahabang panahon ang akin pong mga programa na minahal ng sambayanang Pilipino, tinangkilik ng mga advertiser at pinarangalan ng iba’t ibang award giving bodies,” say pa ni Ate Guy.
Bukod pa sa kanyang showbiz career, isa rin sa naging bahagi ng personal na buhay ng nag-iisang Superstar si Kitchie.
“Isa rin si Ate Kitchie sa mga sa mga saksi at promotor nang ikasal kami ni Christopher de Leon sa beach nila sa La Union. Naging ninang namin si Lupita Kashiwahara dahil siya ang kasalukuyang direktor noon ng ‘Makulay na Daigdig,’ at tsaka si Ninang Charito Solis,” dagdag na say pa ni Nora.
At sa huli ay binahagi ni Nora ang kanyang dasal at pagmamahal kay Kitchie.
“Marami akong pagkukulang sa kanya. Saan man siya naroroon ngayon gusto kong humingi ng tawad. Kasama siya sa aking mga dasal. Ayokong isipin na wala na siya. Gusto kong buhay siya sa aking alaala,” pagtatapos ni Nora.
***
WALA mang tuwiran pag-amin sa kampo ni Cassy Legaspi ay tila naman nahuhuli sa sariling bibig ang dalaga na may lihim ding pagtangi sa singer na si Darren Espanto.
Nagsimula ngang magkabukingan nang minsan ay naging bisita sa isang blogsite ng kanyang showbiz friends si Cassy. Sa umpisa ng kanilang tsikahan ay tila enjoy pa si Cassy sa tsikahan with friends, hanggang sa madako ang usapan hinggil sa lovelife.
Unang tinukso ang kaibigan ni Cassy sa nali-link na showbiz guy dito at say pa ng dalaga nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, na sana ay all. Lihim namang napangiti ang host ng naturang blogsite at pabirong sinabi nito sa friend niyang si Cassy na talaga naman daw sana all. Biglang change topic ang drama ni Cassy.
Sa puntong ito ay natanong si Cassy kung ano ang tipo niya sa isang lalake, as in anong katangiang taglay nito na magiging daan para magka-crush sa kanya si Cassy?
“Matangkad, tisoy, singkit, singer, dancer, palabiro, at saka seryoso,” say ni Cassy.
Sa naging sagot ni Cassy ay lihim naman tinawagan ng isang host sa naturang blogsite si Darren. Laking gulat ni Cassy nang makita si Darren sa screen. Pero bago pa man makasagot si Darren ay nawala ito sa screen.
Ang mas lalong kinagulat ni Cassy ay ang biglang pagpasok sa screen ng kanyang inang si Carmina pero imbes na sitahin ang anak na dalaga ay tila inayunan pa niya ito sa tipo ng lalake ng anak.
“Anak nga kita,” hirit ni Carmina.