Advertisers

Advertisers

Jalen Green bida sa panalo ng Rockets sa Summer League

0 213

Advertisers

MULING nagpasiklab ang Filipino-Amerikan rookie sensation Jalen Green upang tulungan ang Houston Rockets sa 111-91 wagi laban sa maangas na Detroit Pistons, sa NBA Summer League kahapon sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Green, na second overall pick sa 2021 NBA Draft, ay nagtala ng game-high 25 points, tampok ang 5 rebounds at three assists para pamunuan ang Rockets sa nagliliyab na 2-0 start sa summer league.

Hindi rin pinaporma ni Green ang No. 1 pick ng Piston na si Cade Cunningham sa inaasam na Summer League showdown sa pagitan ng top two picks sa draft ngayon taon.



“My chip is super big, it started at draft night when I got drafted at No. 2,” Wika ni Green, na kasalukuyang nag average nang 24 points at 5 rebounds sa kanyang first two games sa Rockets uniform.

“I felt I was No. 1,” dagdag pa nya.

Rookie big man Alperen Sengun, ang 16th pick ng Rockets sa draft, nag-ambag ng 21 points.