Advertisers
Ni Atty. Nick Nañgit
DAHIL sa pandemya, sinarhan ang mga sinehan. Walang pelikulang ipinalalabas. Baka nga naman magkahawaan pa ng virus ang mga nasa loob.
Anyway, katuwaan lang, bet mo ba mga ito?
HOARDER. Yung pinakyaw na ang chicha sa Puregold, Hypermarket, at Nepa Qmart, dahil lockdown is poreber.
BUTANGERA. Yung parang MRT ang bunganga pag ngumangatngat ng chicha na pati plastik hindi pinatawad.
DOLOMITE HATER. Yung pagod na ngang maglinis ang mga maintenance, tapon dito tapon doon pa rin ang lifetime member ng Smokey Mountain.
LOVE BIRDS. Yung mag-jowa na rinig hanggang kalsada ang namumulupot nilang epiglottis at ginagawang motmot pa ang sinehan, para makatipid sa wampipti.
PAROLISTA. Yung hindi marunong mag dim ng celpon kaka-text at FB, kaya nagmimistulang EWD sa NLEx.
SUPER SIREYNA. Yung di na gumagana ear drums sa haba ng ring tones na dinownload, para sa call at text.
BARKER. Yung talak nang talak at parang CCTV sa dami ng chismaks mula Aparri hanggang Jolo.
CELLULITER. Yung di marunong mag-silent mode kaya alam na ng madlang pipol ang jowa niya ay makati pa sa alugbati.
BOBOTANTE. Yung kinikilatis ang lahat ng pumapasok at dumadaan na para sa audience impact ng Pilipinas Got Talent.
LUKARET. Yung tawa nang tawa kahit drama o horror na ang eksena.
PAPAMPAM. Yung pasimpleng tanong nang tanong kasi crush ka pero diring-diri ka naman.
KITIKITI. Yung di mapirmi sa upuan at lipat nang lipat ayon sa Butt List niya
TUNGKODERO. Yung ginagawang sahig ang back seat ng nasa harap niya, at ang sarap balyahin.
COSPLAYER. Yung manonood na nga lang, nag OOTD pa.
PUTOKTI. Yung malayo pa lang, nagpaparamdam ang amats ng paa, bunganga, at kilikili.
SELFIESHER. Yung madilim na nga, selpi pa nang selpi, at pag minalas malas ka, grupi ang peg ng mga tol.
ALICE IN WONDERLAND. Yung laging kulelat dumating at feeling hihintayin siya ng trailers.
FRONTLINER. Giraffe kung giraffe kakatingala sa screen, kesehodang magka stiff neck at neck brace.
SPOILER. Yung 24 Oras kung magkuwento at panira sa palung-palo mong pinag-ipunan para lang manood.
SINGITERO. Yung may pila nga, pero Game On naman ang buong barangay sa kaka-save niya, at bukambibig ang Reserve at Seat Taken.
KARERISTA. Yung feeling may Shoppee Sale, kaya natataranta at baka maubusan ng upuan.
HARANGERA. Yung tinatakpan ang world view mo ng kanyang out of style na buhok at balikat na kasing lapad naman ng karo ng santó.
BURARA. Yun bang laging nalalaglag ang mga gamit tapos gusto pati ikaw e gagawing officer ng Lost & Found.
TANONGGES. Yung kasabay mo namang nanonood pero sa iyo pa rin tanong nang tanong at ginagawa kang tour guide.
3RD PARTY. Yung julalay nyo ng iyong jowa at testigo sa lahat ng kababalaghan, kaya need mong suhulan at sakalam mag-GCash.
LOLA BASYANG. Yung self-appointed narrator, may recitation teh?
ILLEGAL LOGGER. Yung lahat ng makakasalubong e binabangga, kaya tatabi na lang kasi mamamalengke ka?
FROSTY. Yung nanlalamig lagi, pero ayaw namang magdala ng jacket o shawl.
DRILON. Yung manonood daw, pero borlog naman at may bonus pang hilik ng biik.
STALKER. Yung hindi pelikula ang pinapanood, kundi ikaw.
PUNONG HURADO. Yung puna nang puna, wala namang pa-kontes.
TAKOTCHI. Yung umaarat ng horror, pero nakapikit naman o tinatakpan ng mayka ang mga mata ni anghelita.
IHIYERO. Yung labas masok sa CR, may booking?
HOPIA. Yung tapos na ang pelikula, pero pa-fall pa rin sa after credits.
ASWANG. Yung Starstruck ka sa loob, pero pag labas ng sinehan, parang gusto mong pumatay!
Sa ngayon, online na muna tayo. Nakaka-miss ang mga cinebiatch, noh?
Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe at Watch lang sa nasabing Nickstradamus channel, lalo na ang LIVE tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time. Inaalay ko ang aking pagbabalik sa aking yumaong mga magulang. Mahal na mahal namin kayo!
At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, o mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong nickstradamus2018@gmail.com.
Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!