Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA Vlog ni Dra. Vicki Belo na guest nito si Dani Barretto na ang title ng episode ay “Life Lessons Chikahan with Dani Barretto/Dr.Vicki,” instead na sabihin ang totoo ay mukhang may sakit na dementia si Dani nang sagutin nito ang mga tanong ni Belo tungkol sa daddy nito na si Kier Legaspi.
As in pinalabas niya noong tumira siya ng tatlong buwan sa bahay ni Kier para makilala niya raw ito nang lubusan. Ay nu’ng huling gabi na nasa house siya ng ama ay may matindi silang away nito na hindi naman siya nag-elaborate kung ano ang pinag-awayan nilang mag-ama.
Isa pang foul ay ‘yung pahayag niyang kailanman ay hindi siya nakapag-celebrate ng birthday na kasama ang kanyang daddy. Samantala, malinaw na sinabi ni Kier ng noong 2 years old si Dani ay magkasama sila ng daughter na nag-celebrate ng birtday nito sa condo. Hindi rin naman daw OFW ang kanyang ama pero hindi raw niya ito nakikita ng pitong taon.
Well, ano ba ang talagang motibo ni Dani para siraan at palabasing pabaya at masama ang kanyang ama? Bakit may mga ganitong anak na tulad ni Dani na kayang ilaglag o siraan ang sariling tatay. Bakit wala man lang bang nagawang mabuti si Kier sa kanya, samantalang minahal naman siya nito at makikita ito sa mga larawang nagkalat sa social media na noong baby pa si Dani ay karga siya ni Kier habang inaalagaan.
Naging biktima lang siya ng maagang paghihiwalay ni Kier at ng Mommy niyang si Marjorie Barretto. Ewan ko lang kay Marjorie kung bakit nagkakaroon ng issue sa pagitan ng kanyang mga anak at mga ama ng mga ito. Siguro may mga nasasabi si Marjorie tungkol sa mga ex niyang sina Kier at Dennis Padilla kaya ganito ang trato ni Dani kay Kier gayundin nina Julia at Claudia Barretto sa daddy nilang si Dennis.
Sana ngayong may asawa na at anak si Dani, at alam naman niyang minahal siya ni Kier ay tigilan na niya ang paninira sa tatay niyang ito lalo’t may kinakaharap itong matinding pagsubok ngayon.
***
Myrtelle Sarossa Walang Binatbat Sa Bagong Protegee Ni Atty. Ferdie Topacio Na Si Angel Arcega Na May Movie Na Sa Viva At Borracho Film Prod
No offense meant to Myrtelle Sarossa pero wala talaga siyang binatbat sa ganda, kaseksihan at freshness ng new star na si Angel Arcega, na bagong protegee ng Bff naming si Atty. Ferdie Topacio.
Payatola kasi si Myrtelle at hindi maganda ang katawan samantalang si Angel ay softdrinks body at maganda ang PR nito. Hayan dalawa na agad ang movie projects ni Angel na tapos na nitong i-shoot ang kanyang first movie sa Viva na “Shoot Shoot” na hango sa kanta ng bidang si Andrew E.
Isa si Angel sa mga sexy girls sa film at ang pangalan ng character ay si Paula na love interest ni Andrew as Jack na hahabol sa kayamanan nito at si Al Tantay ang director nila sa said project. Ipalalabas ngayong September sa VivaMax ang Shoot Shoot. And after this movie ay nagpe-prepare na si Angel para sa shooting ng 2nd movie na “Bigote Power” at produced naman ito ni Atty. Topacio sa kanilang film outift na Borracho Film Production.
Excited na raw ang sexy newcomer to shoot. Nang tanungin naman namin ito via chat kung ready na siya to go bold na usung-uso sa Viva, sagot ni Angel, marami nga raw offer lalo’t si Boss Vic del Rosario ang tumatayo niyang manager.
Pero as of now ay tama na raw muna
‘yung nagpapa-sexy siya ng slight dahil hindi pa raw siya ready sa todong pagpapakita ng katawan. Tama naman and I’m sure agree si Atty. Ferdie na very supportive na mentor ni Angel. Aside sa pag-aartista ay isang businesswoman si Angel at siya ang owner ng A/P Angel Polish Nail Spa na may ilang branch na at bagong bukas na The Wellness Body Massage Spa.
***
Direk Reyno Oposa, Marami Pang Magagandang Plano Sa Sariling Independent Movie Outfit Na Ros Film Production
Aside sa can in movies na aabot sa pito kabilang na ang Agulo ni Kristoffer King, Luib, at Silab at dalawang obrang “9 Na Buwan” at “Takipsilim” na kinilala at napabilang sa Top 12 Cinemalaya Nepresso Virtical Film sa Ayala 100 Hidden Cinema at si Direk Reyno Oposa bilang Top Qualified Filmmaker at Director.
This 2021 and 2022 ay marami pang magagandang plano si Direk Reyno para sa sariling independent movie outift na Ros Film Production. Kaya patuloy sa pagtuklas ng mga baguhan ang kaibigan naming director na nag-aral ng Filmmaking sa Toronto Film School at RCC Institute of Technology Toronto, Ontario. Bukod kasi sa pagbibidahang “Lahi Ni Mang Kanor” ay may naisip na special movie project si Direk Reyno na gusto niyang maipalabas sa usung-uso ngayong digital platform. May magandang istorya na siyang naisip at mukhang inspired ito sa isang classic movie na dinirek ni late Peque Gallaga at isa sa magiging cast ay ang new discovery niyang si Alquin Gaddi.
Well, good luck my dear Direk Reyno.