Advertisers

Advertisers

Mike proud na dating role ni Goma ang ginagampanan sa serye

0 281

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PROUD si Mike Tan na bilang si Bien sa Nagbabagang Luha ay nag-ala-Richard Gomez siya!

Sa 1988 film version kasi ng bagong teleserye ng GMA ay si Richard ang gumanap sa ginagampanan ngayon ni Mike.



Ano ang challenge kay Mike ng papel niya ngayon?

“Dun nga ako na-proud na, ‘Uy, si Kuya Goma pala yung ipo-portray ko!’

“Nung nalaman ko yun  mas na-challenge ako bilang aktor, kasi kilala naman natin si Kuya Goma, nakatrabaho ko na rin siya ng ilang beses, isa rin siya sa mga iniidolo kong aktor.

“Sa character ni Bien, mahirap kasi yung lagi kang nagpipigil ng gusto mong sabihin sa taong mahal mo, lagi mong iisipin kung  paano siya puprotektahan, na ang pinakamahirap kay Bien, kaibigan niya rin yung karibal niya.

“Na in the end magiging magkaaway sila kasi may nagawang pagkakamali, iyon yung mga challenges sa akin.



“Siyempre may ibang nangyari dun sa istorya na kailangan mong bigyan ng justice, na sobrang bigat. Yun lang naman, kasi nga sabi ko compared kay Glai at kay Rayver, mahirap talaga yung roles nila.

“Parang everyday nire-require silang umiyak, everyday nire-require silang magalit, sabay biglang sasaya, iyon yung hirap sa kanila.

“Yung sa role ko naman, mas magaan siya compared sa mga iba ko nang nagawa kasi mostly naman support lang ako kay Maita bilang kaibigan niya, ‘pag nagkikita naman kami ni Rayver lagi lang  kaming nagsusuntukan,” at tumawa si Mike.

“Tapos nung okay pa naman yung relationship ng characters namin tawanan lang kami nang tawanan, so yung mga challenges mas kay Glaiza and kay Rayver and kay Cielo.

“Sabi ko nga, compared kay Rayver at kay Glaiza, ang gusto ko lang din sabihin na hindi ko alam yung sinasabi ni Glaiza na nahihirapan siya na proseso bago siya umiyak, hindi ko rin maintindihan yun,” at muling tumawa si Mike.

“Parang ang bilis-bilis naman,” pahayag pa ni Mike bilang papuri sa bilis umiyak ni Glaiza sa mga drama scenes nito sa kanilang teleserye.

“Pati na rin si Rayver, iba yan, yan ang aming dancing actor!”

Sa Nagbabagang Luha ay gumaganap si Glaiza de Castro bilang si Maita, si Claire Castro bilang si Cielo at si Rayver Cruz bilang si Alex.

***

KUKUROT sa puso ang episode ng Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi!

Magbabago  ang tingin ni Jessa sa akala niya ay tila perpekto nilang pamilya nang malamang may ibang babae ang kanilang ama at nang paulit-ulit siyang gahasain nito. Nang magsumbong siya sa kanyang ina ay hindi siya pinakinggan nito. Gusto niyang magsumbong sa mga awtoridad pero pinagbantaan siya ng kanyang ama na papatayin silang mag-iina.

Kaya naglayas na lang siya na hindi alintana na gagawin din ng ama ang kahayupang ginawa sa kanya sa iba pa niyang mga kapatid na babae. Maliligtas pa ba niya ang dalawa niyang kapatid? Hanggang kailan magbubulag-bulagan ang kanilang ina? Paano na nga ba matutuldukan ang kademonyohan ng akala nila ay mabait nilang ama?

Ngayong Sabado, Agosto 14, tunghayan natin sa Magpakailanman ang “ISINAKDAL KO ANG AKING AMA” sa GMA.

Itinatampok dito sina Ashley Ortega, Therese Malvar, Althea Ablan, Nina Ricci Alagao at Michael Flores.