Advertisers

Advertisers

LTFRB SINITA NG COA SA BIGONG PAGGASTA SA 99% PONDO PARA SA MGA PUV DRIVER NA APEKTADO NG PANDEMYA

0 212

Advertisers

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos na 1% o P59 million lamang ng P5.58 billion na pondo para sa benefit program sa mga driver na apektado ng COVID-19 pandemic ang kanilang nagamit.

Ayon sa COA, resulta ito ng delay na implementasyon sa Service Contracting Program ng LTFRB.

Dahil dito, mahigit 29,800 na mga drivers lamang o 49.79% ng target na 60,000 na benepisyaryo ang nairehistro sa programa hanggang noong katapusan ng taon.



Sa Laging Handa briefing kahapon, sinabi ni LTFRB chairperson Martin Delgra III na nakapaglabas na sila ng 26.55% ng kabuuang budget para sa programa hanggang noong June 30, 2021, kung saan kasabay na napaso ang Bayanihan 2.

Aniya, ibabalik ng ahensya ang bahagi ng pondong hindi nagamit at hihiling na lamang ito ng pondo kung muling kailanganin.

2022 BUDGET NG DOH, BUSISIIN DAW NG HUSTO NG KAMARA

Samantala tiniyak ng Makabayan sa Kamara na bubusisiin nila nang husto ang 2022 budget ng Department of Health (DOH).

Ang hakbang ng Makabayan ay sa gitna na rin ng Commission on Audit (COA) report na P67 billion ang budget deficiency o pondong hindi nagamit nang tama ng DOH.



Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, isa ang deficiency na ito sa mga isyu na kanilang hihimayin kay Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig sa pondo ng ahensya sa ilalim ng 2022 national budget.

Pero paglilinaw ni Zarate, hindi nila haharangin ang pondo ng ahensya dahil batid nila ang pangangailangan para mapondohan ang mga programang may kinalaman sa pagtugon sa COVID-19.

Titiyakin lamang aniya nila sa Makabayan na mailalaan sa tama ang pondo at mapapanagot ang sinumang responsable sa anomalya sa ahensya.

Nauna nang ipinanawagan ng Makabayan ang pagbibitiw ni Duque dahil sa natuklasang nawawalang P67-B na pondo ng ahensya at ang pagpapa-imbestiga sa isyung ito sa Mababang Kapulungan.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!