Advertisers
Ni Nick Nañgit
MARAHIL ay kilala na ninyo ang mga Shampoo Girls sa buhay ng kilalang actor na si Gerald Anderson.
Usap-usapan kasi ngayon sa mundo ng showbiz ang ilan sa kanila, dahil sa socmed tweets ng isa pang kilalang actor na si Janus Del Prado.
Hindi na natin hahalukayin pa ang nilalaman ng kanyang mga tweets. Alam na naman ninyo kung sinu-sino ang mga tinutukoy niya, dzivaaaaaa?! Mag-focus na lang tayo sa mga konstelasyon at animal signs ng lahat ng mga karakter dito, ayon sa mga ibinalandrang impormasyon nila (trulalu man o hindi, dahil may showbiz age kyeme ang mga taga-showbiz), para may ideya tayo kung bakit nangyayari ang alitan at pagbubunyag sa maalamat na umano’y Balakubak.
Si Gerald Anderson ay isang Pisces Snake. Sakalam siya ngayong Taon ng Baka, kaya nga naman laman siya ulit ng social media kahit walang nababailtang bagong proyekto. Ang nanghihila sa kanya pababa ay ang elemento ng Tubig ngayong may NeptuneRx na ang dala ay katotohanan.
Ibig sabihin, marami siyang haharaping mga naganap at hindi na niya ito pwedeng isawalang bahala.
Si Julia Barretto naman ay isa ring Pisces pero Ox. Pareho sila ni Gerald. Hindi siya sakalam ngayong Taon ng Baka. Lalo pa siyang makararanas ng bigat dahil kapareho ng Taon ang kanyang animal sign.
Daragdag din ang panghihila sa kanya pababa dala ng NeptuneRx. Mas mainam na manahimik na muna siya sa mga isyung lalabas dahil magdudulot lang ito ng kawalan sa kanya.
Ang tanging makasasalba at magpapasaya lamang sa kanya ay ang kasundo niyang Snake. Kaya pala sila nagkasundo agad ni Gerald, kahit may iba pang bilat na malalapit sa binata, pero hindi ibig sabihin nito na magiging silang dalawa sa huli. Ang balakid ay ang pareho nilang elemento ng Tubig na magdudulot ng kakulangan sa katatagan, kalabisan sa pangarap, at pagtalikod sa katotohanan.
May dalawa pang karakter na hindi nakatuluyan ni Gerald.
Si Pia Wurtzbach ay isang Libra Snake. Ang pagkakagustuhan nila ay dala lamang ng pagiging marupok niya at mapusok naman nung isa. Gusto ng Libra ang kasunduan, katiwasayan, at karangyaan. Gusto ng Pisces ang kathang isip, kawalan, at kalayaan. Kung ano man ang namagitan sa kanila, ito ay pansamantala lamang. Ang parehong Snake na hanap ay yaman ay bihirang nagtatagal.
Ang naging sakripisyo sa larong ito ay si Bea Alonzo na isang Libra Rabbit. Kung ano ang karupukan at kapusukan nina Gerald at Pia, ganun din sila ni Bea. Ang pagkakaiba ay ang pagiging mahinahon, mapagpasensya, at mapagmasid ni Bea. Malalim siyang magmahal; mahirap makalimot. Kaya pala natagalan bago ito nagsalitang muli. Kaya rin pala, siya na nagsabing hindi madaling magpatawad.
Ang nagsiwalat ng lahat ng ito ngayon ay si Janus del Prado na isang Scorpio Rat. Sa Taon ng Baka, ang pinakakasundo nito ay ang Rat. Siya ang pinaka sakalam sa lahat. Kaya’t ganun na lang ang tapang niya sa mga tweets, bukod pa sa likas na kagalingan niyang malaman ang maraming lihim.
May Pluto Rx tayo na siyang planetang namumuno sa Scorpio, at dala nito ang rebelasyon at pagbangon. Nabulgar tuloy ang kaganapan nina Pia at Gerald. Nagkakilala rin sina Bea at Dominic Roque na isa pang kilalang artista, kaya’t nagising muli ang puso niya.
Ang kati talaga pag may balakubak, dzivaaaaa?!
Ibahin naman natin. Kasalukuyang nagaganap ang 12 pelikulang ito sa Sine Halaga Film Festival:
■ Bakit Ako Sinusundan ng Buwan na dinirehe ni Richard Legaspi
■ Black Rainbow ni Zig Madamba Dulay
■ Dandanso’y ni Rod Arden Condez
■ Hadlok ni Ralston Jover
■ Looking For Rafflesias And Other Fleeting Things ni James Fajardo
■ Lorna ni Noel Escondo
■ Masalimuot Ya Tiyagew Ed Dayat ni Jan Carlo Natividad
■ Mina’s Family History ni Christopher Gozum
■ Sa Balay Ni Papang ni Kurt Steven Soberano
■ Salog Ning Diklom ni Jordan Jose Dela Cruz
■ Ugbos Ka Bayabas ni Manuel Magbanua Jr, at
■ 13 Feet ni Carlo Obispo.
Para makapanood nang libre, pindutin lang: bit.ly/watchsinehalaga.
Piliin ang gustong panoorin. Pindotin ang Rent at hanapin ang Apply Promo Code. Ilagay: sinehalaga.
Enjoy ninyo lang ang panonood ng mga makabuluhang pelikula ngayong pandemya.
Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe Watch at Share lang ang Nickstradamus channel ng YouTube, lalo na ang LIVE tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time. Inaalay ko ang aking pagbabalik sa aking yumaong Dade nitong Hulyo 26, 2021 lamang, at kay Mame na pumanaw na rin noong 2018. Mahal na mahal namin kayo!
At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, o mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong nickstradamus2018@gmail.com.
Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!