Kylie happy na ulit matapos ang hiwalayan kay Aljur; Kris dinenay na nagpapataas ng TF sa GMA kaya ‘di na ni-renew ang kontrata
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TAHASAN na ngang inamin ni Kylie Padilla na ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica ay happy na raw siya ngayon at nakakangiti na hindi tulad ng dati. Malaking factor para kay Kylie ang makapag-move on agad at ang paglipat na nila ng bahay ng kanyang dalawang anak na nasa poder niya ngayon at pagkakaroon ng trabaho, isang mini-series na pinagsamahan nila ni Andrea Torres, ang “BetCin”, isang online mini-series na palabas na sa WeTV and iFlix.
Isang therapy rin na masasabi ni Kylie ang agad-agad niyang pagtanggap ng project ilang araw matapos ang hiwalayan nila ng mister.
“Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga. I’m at peace now than I was,” dagdag pang say ni Kylie.
Senyales kaya ito na tuluyan na ngang pagbabalik niya sa paggawa ng teleserye?
“Ready naman ako anytime, ‘yung lock-in taping lang talaga, nakakatakot kasi magko-commit ka. Siyempre ‘yung ibang lock-in ang tatagal eh, so panibagong isa-psych ko ‘yung sarili ko para malayo sa mga anak ko. Ang hirap talaga, may anxiety akong malayo sa kanila,” say pa ni Kylie.
***
KASAMA ng ilang young actors ay pumirma ng exclusive movie contract sa Regal Entertainment si Kris Bernal. Isang assurance na kahit magkaroon na ng asawa si Kris ay tuloy pa rin ang kanyang showbiz career when it ocmes to making movies.
Sa pagpirma ni Kris sa Regal Entertainment ay naungkat ang isang tsikang isang taon na rin naman ang nakalilipas, ito ay ang di na pagre-renew ng kanyang kontrata sa GMA 7, to think na galing sa isang artista search show si Kris na produkto ng Kapuso Network, ang ‘Starstruck’.
Maraming ispekulasyon noon ang lumabas kung bakit hindi na binigyan ng exclusive contract si Kris ng Siyete ay dahil kahit may pandemya at ‘matamlay’ ang entertainment industry sanhi ng health crisis, ay nakuha pa raw ng kampo ng aktres na mag-demand ng malaking talent fee na labis naman kinagulantang ng GMA management.
At para raw napahiya si Kris sa ginawang pag ‘junked’ sa kanya ng mother network kaya nanahimik na lang ito.
“Ako na, manggagaling na sa akin, walang katotohanan po ‘yun. In all honesty, wala akong maalala na nag-attitude ako. I come on time, I study my scripts, I do my job, I did my 100% all the time, 100% performance, buong puso, kaluluwa ang binibigay ko sa bawat character, sa bawat show. And regarding sa nagpapataas ako, wala ring katotohanan ‘yun, She-sums. Actually, when my contract expired, sabi ko, ‘Sige, kahit babaan niyo na, kahit magkano lang po.’ I’m after, you know, doing shows, because, you know, acting is my passion,” saad ni Kris.
Bukod sa usaping talent fee ay dagdag pa rin ang tsikang kung bakit ‘di na pinapirma ng exclusive contract sa Siyete si Kris ay sa kadahilanan na ‘natunugan’ daw ng GMA ang planong paglipat ni Kris sa kabilang istasyon kahit ongoing pa rin ang kanyang kontrata.
“Alam ko may mga issues nga, ‘di ba, dito sa social media. It’s been all over social media nga na parang the reason why I was not renewed daw because attitude raw ako, nagpapataas daw ako, may contract pa raw ako pero gusto ko raw lumipat, at walang katotohanan ang mga iyan,” say pa ni Kris.