Advertisers

Advertisers

Sarah Javier mental health awareness ang advocacy rarampa sa Mrs. Universe Philippines 2021

0 426

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ISA si Sarah Javier sa finalists sa gaganaping Mrs. Universe Philippines 2021. Siya ang pambato ng Cavite at kabilang sa 18 delegates from different cities and provinces ng naturang beauty pageant na magtatagisan ng ganda at talino.

Imbes sa September 4, na-move ang grand coronation night nito dahil sa pandemic at magaganap na sa September 10 sa Okada, Manila.



Parte ng preparasyon ni Ms. Sarah sa naturang beauty pageant ang pagda-diet, tamang paglalakad, ang kanyang advocacy, at paghahanda sa Q & A portion nito.

Paano niya inaalagaan ang kanyang figure?



Wika niya, “Sa pagpapanatili lang po tito ng healthy food po, iyong ‘di po kumakain nang sobra sa kailangan po ng katawan. At lalo po iyong makakasama po sa kalusugan natin.”

Nalaman namin kay Ms. Sarah na ang kanyang advocacy ay mental health awareness. “Napili ko po ang advocacy na ito dahil may pitak sa puso ko po ito… bukod sa napapanahon po tito sa ngayon ang nakakaranas ng mental disorder dahil po sa pandemic, sa kawalan ng mga pinagkakakitaan, iba’t ibang depresyon, lalo na po sa mga young adults ngayon… ay na experience po ng aming pamilya.



“Kung ito po ang magiging dahilan ng pagtulong ko sa kapwa, ang i-share po sa kanila ang naranasan po namin para makatulong ay gagawin po namin, just to save lives po talaga. Iyon po ang intesyon ko and to stop the stigma … na ang isang may mental illness ay parang isang physical illness din, na kung mabibigyan ng kaukulang gamot ay gumagaling ito,” esplika niya.

Dagdag pa ni Ms. Sarah, “Sa ngyon po ay kasisimula ko lang po tito sa advocacy na ito, at marami pa po akong dapat malaman at alamin. Salamat po sa tulong ng Cavite Center for mental health at sila po ang org na napili ko pong tulungan.”

Si Sarah ay dating member ng That’s Entertainment ni German Moreno. Mula sa kilalang youth oriented TV show, nakagawa na siya ng pelikula, teleserye, at isa ring recording artist.

Aniya, “Monday group po ako sa That’s Entertainment, batch 1994. Kasama ko po rito sina Mayor Isko Moreno, Harlene Bautista, Melissa Gibs, Glydel Mercado, Charo Laude, Isabel Granada, Ruben Manahan, at iba pa.”

Ang latest single ni Ms. Sarah ay Ihip ng Hangin na siya mismo ang nag-compose. Patunay lang kung gaano siya talaga ka-talented.

Pagbabalik-tanaw pa niya, “May mga una na po akong single, like Panghabang Buhay by Jimmy Borja, na 17 years old pa lang po ako niyan under Telldem Records po. Nahinto po ako sa showbiz buhat nang nag-asawa ako. Ako po ay kasal na ng 24 long years at may isang anak na 23 years old na graduate na po ng aircraft mechanic. Tapos po bumalik ulit ako sa showbiz noong 2018.”