Advertisers

Advertisers

Bakuna sa Batangas City

0 480

Advertisers

MAY 43,626 na ang fully vaccinated samantalang 100,687 naman ang nakaraos na sa kanilang unang dosage ng bakuna kontra COVID 19 sa Batangas City.

Patuloy naman ang anti-COVID 19 vaccination drive na inilunsad nina Batangas City Mayor Beverly Rose Dimacuha at 5th District Rep. Marvey Mariño kaya inaasahang di maglalaon ay magiging safe haven na ang may 105 na barangay ng naturang lungsod laban sa nakahahawa at nakamamatay na virus.

Iniulat naman ni Batangas City Health Officer (CHO), Dr. Rose Barrion sa ginanap na virtual full development council meeting kamakailan na wala pang naiireport sa kanilang tanggapan na kaso ng delta variant sa nasabing siyudad bagamat may napabalitang pagkakaroon nito sa mga kalapit na bayan.



Hiniling ni Barrion sa mga barangay chairman at mga opisyales ng mga ito na magsumite ng mga pangalan ng kanilang mga residenteng kabilang sa priority group para mabakunahan. Kinabibilangan ng mga taong with comorbidity & senior citizens, frontline health workers, indigent population, and uniformed personnel ang prayoridad na mabakunahan.

Nanawagan din si Barrion sa mga residente na huwag maging mapili pa ng bakuna pagkat lahat naman ng vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa COVID 19 virus.



Ang mga nasabing vaccine ay pawang ligtas at epektibo sa kalusugan ng mamamayan, dagdag pa ni Barrion.

Gayunpaman, ang panawagang ito ni Barrion ay umani naman ng mga negatibong reaksyon sa maraming mamamayan ng naturang siyudad na labis ang pangangamba na maturukan sila ng made in China na Sinovac vaccine.



Komento ng isang Joe Romano: “It’s all lie. Can’t you see even you have vaccinated, still you can acquire and infect others with COVID 19, it’s not preventive and curative. It’s business”.

Tanong pa ng marami, bakit nga naman gagastos pa ang pamahalaan sa pag-importa ng mas mataas ang presyong Sinovac gayong mas mabisa at higit na mababa ang presyong imbentong bakuna ng America at Western countries?

Sa totoo lang mas tanggap ng mga residente ng lungsod ang USA made vaccine na batay sa pagsasaliksik ay may mataas na effecacy rate kesa China made vaccine.

Tagubilin naman nina Mayor Dimacuha at Cong. Mariño sa mga mamayan ang ibayong pag-iingat at pagsunod sa mga karampatang health protocol para makaiwas sa pagkahawa sa COVID 19 at delta variant.

Tiniyak nina Mayor Dimacuha at Cong. Mariño na tuloy ang vaccination program ng Batangas LGU hanggang may nalalabi pang di bakunadong residente sa nasabing siyudad.

Sentro ng city vaccination ay ang Batangas City Convention Center at Batangas City Coliseum sa Quezon Memorial Stadium, Brgy. Cuta, Batangas City.

Maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng CHO sa detalye ng vaccination drive o kaya ay sa mga respektibong barangay official ng bawat lokalidad.

Kaya, ano pa ang hinihintay nyo, magpabakuna na!

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.