Advertisers

Advertisers

Bela takaw-pansin nang rumampa na naka-yellow gown sa wedding sa Italy

0 391

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI naman maintindihan ni Kim Domingo kung paano at san niya nakuha ang pagiging positibo sa Covid 19.

Halos lahat naman daw ng healh protocols at pagdi-disinfect ay ginagawa ng dalaga kaya takang-taka ito.



Never nga raw ito tumatanggap ng project at pawang work from home ang tutok nito.

Ayaw sana nito magpabakuna hanggang makumbinsi na rin dahil gusto nitong maging safe siya at ang family.

Fully vaccinated na nga ang aktres kaya naman nang malaman na positibo sa Covid dahilan para mawala ito sa serye ni Jennylyn Mercado na siya niya sanang comeback, grabeng iyak ang dalaga.

May mga dahilan nga raw si Lord kung bakit nangyari ito at least nga raw ‘di severe dahil fully vaccinated si Kim.

Wala na ang kanyang lagnat at tanging pang amoy at panlasa na lang ang kailangang maibalik kaya naka-home quarantine ito.



Thankful naman si Kim sa nagpaabot ng get well soon sa kanyang socmed na kanyang mga kaibigan, kaanak at tagasuporta.

***

MARAMI ang napa-wow at nagandahan kay Bela Padilla sa suot nitong canary yellow gown nung dumalo ito sa kasalan ng kaibigan sa Italy.

As in takaw pansin ang kariktan ni Bela sa suot nitong gown na  halos lahat ay starstruck sa beauty ng dalaga.

Daming nagandahan na mga friendship nito sa socmed dahil sa eleganteng gown na suot.

Halos lahat naman ng komento sa IG post ni Bela ay papuri sa kanya.

As in, umawra at nakaw-eksena ang peg ni Bela sa dinaluhang kasal sa Italy.

For good na ba si Bela sa Italy? Hindi naman daw at babalik din ito sa Pinas sa dami pang gagawin sa kanyang career.

Well, well, well…’Yun na!