Advertisers
Kinastigo ni Senator Bong Go ang kanya mismong mga kapwa senador sa ginagawa nitong pambu-bully sa mga iniimbestigahang personalidad sa Senado.
Sa privilege speech nito,direktang tinukoy ni Go ang Blue Ribbon Committee ni Sen.Richard Gordon na umaaktong JUDGE, JURY at EXECUTIONER.
May mga tanong silang ipinupukol sa mga iniimbestigahang indibidwal ngunit may mga gusto rin silang mga sagot na marinig mula sa mga ito.
Kapag ang sagot ng iniimbestigahan ay di ayon sa panlasa ni Gordon at ng Blue Ribbon,agad aakusahan ang taong tinatanong ng pagiging “evasive” at pagsisinungalin.
Halatang halata na ang layon ng imbestigasyon ng Blue Ribbon ay upang siraan ang kasalukuyang administrasyon sa halip na hukayin ang buong katotohanan sa iniimbestigahang isyu.
More of grandstanding ito ng mga senador using the halls of the Senate for their political agendas.
Ibinulgar pa ni Go na pamumulitika ang ginagawa ni Gordon dahil pilit na kinokondisyon na nito na may mga anomalya ngang nangyari kahit pa nga wala pa sa kalahatian ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon.
Pre judge na ang lahat kung kaya lumalabas na isang grand zarzuela na lamang ang buong imbestigasyon.
Isyu ito ng umano’ y overprice na pagbili ng DOH ng face shields at face mask sa kasagsagan ng pagputok ng pandemya sa bansa.
Isa sa direktang isinasangkot sa COA report ay si DBM PS undersecretary Loyd Cristopher Lao na umano’ y dating aide ni Senator Bong Go.
Tungkol ito sa Php 42 billion overprice umano sa pagprocure ng mga PPEs na ginawa ng DoH at DBM Procurement Service na pinamumunuan ni Sec.Francisco Duque at Usec. Lao.
Una nang tinanggi ni Go na naging aide nito si Lao.
“Malisyoso na i- link sakin si Lao na isang election lawyer ni Pangulong Duterte”,pagdidiin ni Go.
Di pa naririnig ng Blue Ribbon ang panig ng mga iniimbestigahan,may konklusyon na agad na may nangyaring nga overprice.
Bullying at grandstanding ang nangyayari at hindi search for truth and justice.
Kitang kita naman na kapag di ayon sa panlasa ni Gordon ang sagot ng resource speaker o ng iniimbestigahan,nagagalit ito at sumisigaw o nambubulyaw.
At this point in time na ang ilang sa ating mga senador ay nangangarap maging presidente,di na fair at makatarungang mag- imbestiga pa sila ng mga isyu laban sa administrasyon.
Obvious naman na kikilin sila kontra sa Duterte regime to gain leverage sa ilusyon nilang maluklok sa poder.
Wag na tayong magpaikutan pa!
And let the show begin
Game na! Batuhan na ng putik as usual.
After elections,bati bati ulet!
Buking na ng madlang people ang mga ganyang bulok na istilo.
Noon simula ng pandemya, asan ang mga maiingay na senador na yan gaya nina Gordon, Ping, Pacquiao and the rest?
Naa comfort ng kanilang mga mansyon at nakatago.
Wala ni isa ang gumitna sa lansangan para maghatid ng tulong sa tao.
Lahat nakatago at nangingig ang bayag.
Ngayong mag-eeleksyon saka magsisilabasan ng kanilang lungga at magmamagaling.
Kundi ba naman ubod ng mga kupalin!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com