Advertisers

Advertisers

Paalam Ka MELO ACUÑA

0 628

Advertisers

The idea is to die young as late as possible. — British-American anthropologist Ashley Montagu

PASAKALYE:

Maagang paghahanda para sa 2022 elections ipinag-utos ni PNP chief Lieutenant General GUILLERMO ELEAZAR. Sa mga mahahalagang panahon, tutok na tutok ang PNP pero sa ordinaryong araw pakuya-kuyakoy lang sa presinto. At dito tiyak ipagagamit uli ni Gen. Eleazar ang body cam. Ang paggamit din nito para lang din sa mahalagang bagay. Tulad na zona ni PIM. Pero pagkatapos ng halalan itatago na uli ito. Sayang bilyong pinambili dyan kapag puputi lang ang uwak gagamitin ito. Hahahahahahaha. Mga ungas na PNP. Juan po. — Juan ng Tondo (_639094818…)



* * *

GALIT ako sa Covid-19 dahil isa na namang kaibigan ang pumanaw dahil sa sakit na ito.

Matagal ko nang kasamahan sa larangan ng pamamahayag si Ka MELO ACUÑA at ang turing ko sa kanya ay isang kapatid at kapamilya.

Nabigla ako sa hindi inaasahang pagpanaw ni Ka Melo dahil may dalawang linggong nakalipas nang magkausap kami sa cellphone. Wala siyang nabanggit na may karamdaman siya at sa pagkakakilala ko sa kanya, maganda ang kanyang kalusugan at hindi basta dadapuan ng anumang sakit—nagkamali pala ako.

Kaya nga galit ako sa Covid-19 . . . sa hindi mo inaasahang pagkakataon, maaari kang tamaan nito sa kabila ng pagiging maingat at pagsunod sa mga health safety protocol.



Paalam, kapatid na Melo . . . Sa tuwing magrorosaryo ako, maaalala kita dahil ang gamit kong rosaryo ay iyong pinasagalubong mo sa aking maybahay noong galing ka sa Vatican.

It was an honor knowing you, my friend . . .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!