Advertisers

Advertisers

Pasugalan sa sementeryo, buking: Natanggap na ayuda, itinaya

0 284

Advertisers

SINALAKAY ng pulisya ang operasyon ng iligal na sugal sa isang musoleo sa Manila North Cemetery.

Bukod sa ginawang lamesa ang nitso ng patay, ipinangtataya rin daw ng iba ang natanggap na ayuda sa ECQ.

Naaktuhan ng mga pulis ang sugalan sa loob ng sementeryo nitong Lunes.



Nahuli ang mga nagpapataya at nasamsam ang mga gamit sa operasyon.

Nabisto ng mga pulis ang lugar nang ituro ito ng mga kubrador na nauna nilang naaresto.

Maaari raw na tumaya sa sugal ng mula P5 hanggang P200.

Ang ilan sa nahuli, aminadong matagal nang sangkot sa pasugal bilang kubrador. Pero ang tagapagbantay sa musoleyo, idinahilan na kaibigan lang niya ang mga nagpapasugal kaya niya pinapasok.

Ayon sa pulisya, mas mahirap ngayon na masubaybayan ang ilegal na pasugalan dahil sa text at tawag na idinadaan ang pagtaya at pupuntahan nalang ng kubrador para kolektahin ang pera.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">