Advertisers

Advertisers

Sinisira ni Digong ang sarili

0 337

Advertisers

TAMA si dating Senador Antonio Trillanes sa kanyang sinasabi noon na hindi na kailangang siraan pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dahil siya mismo ang sumisira sa kanyang sarili.

Oo! Sa bawat salita kasi ni Digong sa kanyang lingguhang ‘Talk to the Nation’ na ginaganap ng alanganing oras sa gabi, tulog na ang mga tao, ay bumabalik sa kanya ang latay ng kanyang mga hagupit.

‘Pag nagsalita siya tungkol sa korapsyon, ugok nalang ang maniniwala. Kasi nga ang mga nakapaligid sa kanya ay mga tulisan, base narin sa CoA Report 2020.



Sa tingin ko nga mas kahindik-hindi ang matutuklasan ng CoA sa kanilang 2021 Report. Dahil ito ang panahon na kailangan nang mag-imbak ng salapi ang mga opisyal ni Digong dahil paalis na sila sa puwesto. Mismo!

‘Pag nagbanggit naman si Digong kontra sa mga iligal na droga, sasabihin ng marami: “It’s a joke!”. Kasi nga ilan sa mga nakadikit sa kanyang pamilya ay isinasangkot sa droga tulad nina Peter Lim, Charlie Tan, Kenneth Dong, Michael Yang, who else?

Itong si Peter Lim ang sinasabing source ng droga ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa. “Kumpare” ni Digong si Peter Lim. Nag-courtesy call pa ito sa kanya. Kinumpirma ng PDEA na si Peter Lim ang biggest drug lord sa Visayas at Mindanao. Miyembro raw ito ng mala-king drug syndicate. Missing na ito.

Sina Charlie Tan at Kenneth Dong naman ang sangkot sa bilyones na halaga ng shabu na nahuli sa kanilang warehouse sa Valenzuela City. Tatlong shipments daw ang shabu na iyon, ‘yung pangatlong shipment worth P6.4 billion ang natunugan ng mga awtoridad.

Bigla narin naglaho itong sina Charlie Tan at Kenneth Dong na nag-courtsey call din noon kay Digong. Barkada rin ito ng mga anak na lalaki ng pangulo, ayon narin sa kanilang mga picture na nagkakasiyahan na isinapubliko noon ni Trillanes.



‘Pag minumura naman ni Digong ang mga komunistang New People’s Army, biglang naglalabasan sa social media ang mga larawan niya kasama ang mga NPA sa bundok, na tila siya pa ang kumander ng mga ito. Hehehe…

‘Pag kinukutya ni Digong ang dilawan, resbak ng mga dilawan: “Sa dilawan karin naman nanggaling eh.” Oo nga!

Kasi noong maluklok na presidente si late Cory Aquino, mommy ni late Pres. Noynoy, itinalaga ng una si Digong na acting Mayor ng Davao City. Simula noon hindi na binitiwan ng mga Duterte ang lungsod hanggang ngayon. Nagpapalitan lang silang mag-aama sa posisyong mayor, vice mayor at kongresista. Dynasty talaga!

Apat na bagay lang naman ang paulit-ulit na binabanggit ni Pangulong Duterte sa tuwing humarap o magsalita siya sa publiko: Murahin at bantaang papatayin ang mga korap, droga, NPA, at dilawan. Wala siyang ulat tungkol sa kanyang mga plano o programa. Tulad ngayon magdalawang taon nang under quarantine ang Pilipinas dahil sa pandemya sa virus, may narinig ba kayo kung anong dapat nating gawin, maliban sa mag-lockdown?

Hinihikayat niya ang lahat na magpabakuna kontra Covid-19, kaso wala namang sapat na bakuna, tingi-tingi ang suplay na ibinibigay sa mahihirap na LGUs. Mabuti nalang may mga donasyong dumarating mula Amerika at China, at bumibili ng sarili nilang bakuna ang mayayamang LGUs at ilang malalaking kom-panya para sa kanilang mga residente at empleyado.

Sa kabila nito, baon na baon sa utang ang Pilipinas, higit P11 trilyon na! Babayaran ito ng ating mga apo, ng mga apo ng mga at apo ng ating mga apo. Kawawang Pilipinas. Sobrang malas ang dinanas sa kasalukuyang administrasyon.

Anyway, wakasan natin ang sumpang ito sa 2022 polls!