Advertisers

Advertisers

Diaz, Ando sasabak sa 2021 world championship

0 261

Advertisers

SASABAK ang Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz at kapwa Olympian Elreen Ann Ando sa World Weightlifting Championship na nakatakda ngayon December sa Tashkent,Uzbeskistan.

Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipnas (SWP) president Monico Fuentevella na ang dalawang Olympians ay pangungunahan ang 11-man roster sa December 7 to 17 tournament, na maging qualifiying para sa 2024 Paris Olympics.

Diaz, na pinagharian ang 55-kilogram category sa women’s division na nagbigay sa Pilipinas ng kauna-unahang gold medal sa Olympics, ay lalahok sa parehong category.



Samantala, si Ando ay sasabak sa 59kg category sa halip na 64kg division na kanyang nilahukan sa unang Olympics sa Tokyo kung saan siya nagtapos seventh overall sa 13 kalahok.

Nakatakdang sumabak para sa national team sa world championship ay sina Mary Flor Diaz sa 45kg,Elien Rose Perez sa 49kg, Kristel Macrohon sa 71kg at Vanessa Samo sa 76kg sa women’s, habang sa men’s ay sina Fernando Agadin sa 55kg, John Febuar Ceniza sa 61kg,Dave Lloyd Pacaldo sa 67kg, at John Dexter Tabique sa 96kg.

“This is our initial roster,” sambit ni Puentevella Miyerkules Sept. 15.

“But we’re planning to still hold a tryout for all of them plus hopefully some new lifters who can deliver. Hopefully next month here in Manila or Bacolod, they have to prove their worth before leaving.”

“Thanks to PSC for all their trust in us,” Tugon ni Puentevella, patungkol sa Philippine Sports Commission, na gagastos sa tryout para sa weightlifting federation.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">