Advertisers

Advertisers

‘Wag magpa-booster shots sa vax sites’ – Isko/Honey

0 430

Advertisers

‘WAG po kayong magtangkang magpa-booster shots sa ating mga vaccination sites.”

Ito ang apela nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna sa publiko, sabay bigay diin na ito ay nangangahulugan ng pagkakait ng pagkakataon na mabigyan din ang iba ng kinakailangan nilang proteksyon laban sa COVID-19 na magmumula sa bakuna.

Sa isang panayam, sinabi ni Moreno na hindi pa pinapayagan ang booster shots sa bansa, katunayan aniya ay nasa proseso pa tayo ng paghahanda para mabakunahan ang mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos.



Sinabi ng alkalde na hindi puwedeng hindi malaman ng lokal na pamahalaan kung may mga magtatangkang magpaturok ng booster shots pagkatapos nilang ma-fully vaccinated.

Inanyayahan din ni Moreno ang mga motorista na magparehistro online para sa 1,400 drive-thru vaccination slots sa Quirino Grandstand na available mula September 20 hanggang September 26, 2021.

Kaugnay nito, binigyang diin nina Moreno, Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Pangan na magkakasama sa pangangasiwa ng mass vaccination program ng lungsod na tanging mga hindi pa nababakunahang indibidwal lang ang iistimahin at kaagad namang tatanggihan ang mga nagparehistro na bakunado na.

Sinabi pa ni Moreno na ang mga motorsiklo ay hindi pinapayagan sa mga drive-thru vaccination site gayundin ang mga walk-ins. Tanging mga four-wheeled vehicles ang pinapayagan sa mga drive-thru vaccination sites. Kailangan lamang na magpareserba ng slots at maari ng magsama ng tatlo pa para sa kabuuang apat kada isang sasakyan. Lahat ng mg gustong magpabakuna ay kailangan munang magparehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Kasama ring ibinibigay sa nasabing lugar kung saan naroon din ang Manila COVID-19 Field Hospital ay ang libreng swab tests. Sinabi ni Moreno na patuloy nilang ibibigay ni Lacuna nang libre ang swab tests hanggang kaya pa ng pamahalaang lokal.



Sa kasalukuyan ay may 246 bagong kaso ng COVID-19, dalawa ang namatay at 255 ang gumaling. Ito ay base sa talang ibinigay ni Lacuna hanggang September 17, 2021. (ANDI GARCIA)