Advertisers
SA panayam natin kay Catherine Perena Secopito ay marami tayong nalaan hinggil sa kanyang pamilya at karera.
Ang ama ng chess wizard ay si Nonoy. Siya ang inspirasyon ng Woman International Master sa kanyang career.
Ang asawa niya ay si Richard naman. Mga anak nila ay ang panganay na si Chesca at bunso na si Caitlyn.
Matalino talaga ang ating kaapelyido kaya sa UP nagtapos ng kolehiyo at sa haiskul niya ay siya ang valedictorian.
Ngayon ay bahagi siya ng Ventura-Palawan Queen’s Gambit team sa Professional Chess Association of the Philippines.
Kasama niya sina kapwa WIM na Shania Mae Mendoza, Antoinette San Diego at Mikee Suede. Homegrown talent naman sina Marife dela Torre, Yanika Eli Seratubias at Jesibel Maberit.
Sa pakikipag-usap natin sa naninirahan sa San Jose del Monte, Bulacan ay litaw ang kanyang katalinuhan lalo na sa kanyang mga sagot sa ating little game na tinawag nating the Greatest ___.
Para sa nais matunghayan ang buong interview ay log po kayo sa YouTube ay search OKS@DWBL Sept 13, 2021
*
Ayon kay GM Rob Pelinka ay 100% bakunado na ang LA Lakers pagsisimula ng bagong season. Yan ang pangako ng pamhalaan ng pinakasikat na prankisa sa NBA. Sa ibang lugar sa Amerika kailangan kumpleto na ang dosage ng Anti-Covid 19 vaccine ang mga tao arena o crowded namga facilidad pero sa iba pa ay hindi naman. Ibig sabihin nakadalawang turok na sila kung Moderna, Pfizer o Astra Zeneca. Isa lang naman kung Johnson and Johnson.
Siyempre halos punuan bawa’t game nina LeBron James sa Staples Center kaya magandang balita ito.
Hindi naman mandatory doon ang face shield. Hehe.
***
Bagama’t mas bantog dito sa atin ang basketball nguni’t naeenganyo ang mga amateur nating mahuhusay na pillin ang B-League.ng Japan. Nauna na si Thirdy Ravena doon. Sumunod kanyang kuya na si Kiefer at Ray Parks Jr tapos ang sensation na si Dwight Ramos ng Ateneo. Pero hindi diyan magtatapos ang listahan. Paano ay mas malaki ang sweldo at kakaibang karanasan ang makukuha sa liga ng mga Hapon.