Advertisers

Advertisers

Kim balik-alindog matapos magka-Covid; Carla at Tom inurong ang kasal sa Nobyembre

0 300

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HALOS isang buwan palang ang nakalilipas nang bumulaga sa social media ang mga larawan ni Kim Domingo na lumuluha at inamin na nagpositibo siya sa Covid 19.

Maraming netizens ang nakiramay sa masaklap na sinapit ni Kim, lalo pa nga ang pagkakahawa niya ng virus ang naging dahilan para matsugi siya sa sana ay uumpisahan na lock-in tapings sa seryeng “Love. Dies. Repeat” kasama sina Jennylyn Mercado at bagong Kapusong si Xian Lim.



At ngayon ay muling nagulat ang mga netizen dahil na rin sa pagbulaga sa sariling social media account ni Kim ang mga larawan na fresh ang kanyang byuti at nag-uumapaw ang alindog sa suot na isang one-piece black swimwear.

Na tila ba nagsasabing ‘ito ang alindog na di kayang patumbahin ng virus’.

Pero wala na siyang babalikang serye dahil na rin sa naibigay na ang kanyang role kay Myrtle Sarrosa.

Halos wala pang isang oras ay inulan agad ng libong likes ang sexy pictorial ni Kim in black swimwear paired with stylish white sunglasses, her hair a short bob. At sa caption nakalagay ang katagang, “I’m back.”

***



LAST October 2020 nang mag-propose ng kasal si Tom Rodriguez sa kanyang nobyang si Carla Abellana. Early this year ay tinakda nila ang kasalan sa buwan din ng Oktobre, 2021.

Pero dahil na rin sa hindi matantiyang pangyayari sa health crisis sa buong mundo ay hindi nasunod ang gusto ng magsyota na matuloy sa tinakdang araw ng kasal ngayong October.

Dagdag pa sa biglaang paghihigpit sa quarantine ay nabawasan ang galawan para sa mga kinakailangan nila sa paghahanda ng kasal.

Nagkataon pang kinakailangan nilang mag-lock-in taping para sa kanya-kanyang serye sa GMA7, si Tom sa serye nila nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, ang “The World Between Us” samantalang si Carla naman sa seryeng “To Have And To Hold” nila nina Max Collins at Rocco Nacino.

Dahil sa  kakapusan ng preparasyon sanhi na rin ng pandemya at workload, napilitan sina Carla na gawin na lang ang kasalan nila sa buwan ng Nobyembre.

Wala pang full details kung saan at anong araw sa naturang buwan.

“Mas mahirap, given kasi pandemic ngayon, most especially because we don’t have full control over what’s happening around us, pati ‘yung protocols, decision ng government, it affects everything. Pero kahit paano naitatawid naman po so far,” say ni Carla.