Advertisers

Advertisers

Pangarap ni Sanya, natupad ; KAP’s AGIMAT GIVEAWAY SA BIRTHDAY NI SEN. BONG

0 293

Advertisers

Ni JOE CEZAR

KAGAYA nu’ng nakaraang taon, sa halip na mag-celebrate kasama ang pamilya at mga kaibigan, mamamahagi ng tulong at papremyo si Sen. Bong Revilla sa kanyang kaarawan.

Babalik sa Facebook Live ni Sen. Bong ang ‘Kap’s Agimat Birthday Giveaway’ na gaganapin sa mismong kaarawan niya ngayong Sabado, Setyembre 25 at Linggo, Setyembre 26.



Kagaya ng mga nakaraan niyang pa-‘Amazing Giveaway,” santambak na gadgets (laptop, cellphone at Ipad) ang ipamimigay, dagdag pa ang Kabuhayan package at cash prizes para maihatid ang tulong sa taumbayan saan mang sulok ng bansa.

Sa mga interesadong sumali, mag-fill out lang sa Google form link at isumite ito sa social media account ni Sen. Bong.

Kailangang mag-subscribe sa kanyang official You Tube Channel at i-click ang notification bell upang masigurong updated sa kanyang pa-giveaway.

Buksan lamang ang para sa Google form link.

***



Sa 36th Star Awards for Movies. PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB HANDANG-HANDA NA!

HANDANG-handa na ang Philippine Movie Press Club sa pagdiriwang ng 36th Star Awards For Movies. Dahil sa pandemya, sa kauna-unahang pagkakataon ay idaraos ito sa pamamagitan ng virtual awarding.

Magsisilbing hosts sina Sanya Lopez at Alfred Vargas. Sina Regine Velasquez- Alcasid, Jed Madela at Luke Mejares naman ang mga performer sa pagbibigay parangal na ito ng PMPC sa mga taong nasa harap at likod ng kamera sa mga pelikulang ipinalabas noong 2019.

Igagawad naman ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa veteran theater, film, at television actress na si Angie Ferro habang ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob sa seasoned Master Director na si Elwood Perez na nagdiriwang ng ika-50 taon niya sa movie industry.

Ang 36th Star Awards for Movies ay handog ng Philippine Movie Press Club sa pangunguna ng kasalukuyang Presidente na si Roldan Castro sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines ni Chairperson Liza Dino-Seguerra at ng Wemsap ni Wilbert Tolentino. Ito’y sa direksiyon ni Pete Mariano.

Mapapanood ang kabuuang programa sa September 26 sa STV digital TV at RAD streaming platform ng alas-6 hanggang alas-9 ng gabi. Ipalalabas din ito ng alas-9 ng gabi sa iba’t ibang online platform gaya ng PMPC Facebook page, FDCP FB Page (Film Development Council of the Philippines). Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, Beautederm Facebook Page,EuroTV Facebook Page, AbanteRadyo Tabloidista Facebook Page, ATC Channel 31 Online TV Network, Benny Andaya Official Account Facebook Page, Channel One Global, Channel One TV Movie Global at Mulat Media.

Sino kaya kina Bea Alonzo (Unbreakable), Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Angie Ferro (Lola Igna), Sarah Geronimo (Unforgettable), Janine Gutierrez (Babae At Baril), Ruby Ruiz (Iska), Sylvia Sanchez (Jesusa), Judy Ann Santos (Mindanao)​​​ at Jodi Sta. Maria (Clarita) ang mananalong Best Actress? Abangan ang salpukan nila!

Speaking of hosts, isang malaking karangalan at opportunity kay Sanya Lopez na maging co-host sa PMPC 36th Star Awards for Movies.

” I’m so happy to be the host of this year’s Star Awards for Movies. It’s my dream and it did come true. Salamat Pmpc for this opportunity. Ang mahanay ka sa mga bigating hosts ng past Star Awards ay malaking karangalan para sa akin. Thanks din Cong. Alfred Vargas for being my co-host para sa inaabangang event na ito. I enjoyed working again with you,” sey ni Sanya.