Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KEBER ang businesswoman, sexy comedienne at dating TV host na si RR Enriquez kung bansagan siyang “dakilang sawsawera.”
Aniya, naniniwala raw siya sa demokrasya at kung ginagamit man niyang espasyo ang kanyang Instagram account para maghayag ng kanyang mga saloobin sa mga isyu, karapatan daw niya iyon.
Sa isyung ibinabato ng mga miyembro ng LGBTQA+ community kay Senador Manny Pacquiao, na na-hurt nang minsang sabihin nitong masahol pa sa mga hayop ang mga ito, sey niya, ayaw daw niyang husgahan ang nasabing presidential aspirant.
Ito ay sa kabila ng katotohanang may kapatid siyang transgender.
Sa kanyang Instagram account, nang matanong siya ukol sa stand niya sa pagkandidato ng boxing icon, ito ang kanyang naging “emote.”
“Manny is just a normal human being just like you and me. Lahat tayo may mga masasabi, magagawa ng sa huli pagsisihan natin kung bakit natin nasabi yun.
With Manny, base sa interview sinabi nya na na edit na yung ibang sinabi nya.
“But since clear naman na sinabi nya yung “Masahol pa sa hayop….. Sige makisawsaw tayo as SawSaweRRa Queen😂.
“I don’t want to judge Manny because of what he said. Kahit pa sabihin natin na kasali ang kapatid ko sa natukoy nya (As an Lgbt) @itsmelissaenriquez
“I’m sure lahat tayo may nagawang mali or nasabing mali or naka offend tayo ng tao minsan sa buhay natin.
Mas gusto ko mag focus sa kabutihang nagawa ng isang tao.. I’m sure madami din nagawang mabuti si Manny.
Nakaka-sad lang kasi na naging ugali na nating Pinoy mag-focus sa maling nagawa ng isang tao kesa sa kabutihan.
Parang bawal ka magkamali sa mundong ito😩😅 Dahil kapag nagkamali ka limot na nila na mabuti ka din palang tao. May nagawa ka din na tama…
Siguro kung ang lahat ng makikisawsaw katulad ko mag isip baka magkaroon pa tayo ng chance na isa sa maging most #SawSaweRRaWithAHeartCountry CHERET😂.
“Ok hindi ko din talaga kaya mag seryoso! I hope na gets nyo na yung gusto ko iparating😂 Huwag masyadong OA kung hindi ka naman perfect😂”
“Yun lang I thank you!! Pasok ulit mga Bashers🥵😅😂”
Wapakel naman si RR kung ma-bash na naman siya sa pagtatanggol niyang ito sa Pambansang Kamao.