Advertisers

Advertisers

DESISYON NI SEN. GO SA 2022 NATIONAL ELECTIONS, ABANGAN HANGGANG OKTUBRE 8

0 228

Advertisers

“HINTAYIN na lang natin ang October 8 na deadline ng filing ng Certificate of Candidacy.”

Ito ang inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go kaugnay sa mga patuloy na katanungan hinggil sa kanyang plano sa 2022 Presidential elections.

Sinabi ni Go na kung trabaho lang ang pag-uusapan ay kabisado na niya ang trabaho ng isang Presidente dahil sa palagi nilang pagsasama ni Pangulong Rodrigo Duterte pero batid din aniya niya ang sakit ng ulo ng isang Pangulo.



Ayon kay Go, hintayin na lang ang October 8, para malaman ang pinal na desisyon ng mga Duterte, plano ng kanilang partido na PDP-Laban at kung sinuman ang makakapagpatuloy sa nasimulan ni Pangulong Duterte ay kanyang susuportahan.

Muli rin iginiit ni Go na ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang kanyang kapalaran sa pulitika gayundin sa mga Duterte at sa mga taumbayan na nagtitiwala sa kanya.

Nagpasalamat din si Go sa patuloy na pagtitiwala ng taumbayan sa kanila ng Pangulong Duterte.

Binigyang-diin ni Go na sa ngayon ay nakapokus siya sa paraan kung paano siyang patuloy na makakapag-serbisyo sa taumbayan habang nanawagan siyang mas magandang mag-focus muna ang lahat sa pagresolba sa COVID-19 pandemic. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">