Advertisers

Advertisers

Rider nakipagbarilan nang sitahin sa checkpoint

0 323

Advertisers

Arestado ang isa sa dalawang motorcycle riders na nakipagbarilan sa mga pulis nang masita sa checkpoint ng Pasig City Police.

Kinilala ni Pasig City chief of police Col. Roman Arugay ang arestadong suspek na si Jayson Trinidad, 42, residente ng No.74 Catalino St, Brgy Pinagbuhatan, Pasig City.

Habang ang kasama ni Trinidad na nakatakas kinilalang si Alex Almojuela, 37, at residente ng Purok Yakal St. Bernardo St. Brgy Pinagbuhatan, Pasig City.



Sa ulat ng Pasig sub-station 6, nasita ang dalawang riding in tandem na suspek na sakay ng itim na Yamaha N-Max motorcycle na walang plaka sa checkpoint 1:40 ng madaling araw nitong Sabado sa San Agustin St. panulukan ng E. Santos St. Brgy. Palatiw, Pasig City.

Nang lapitan ng mga pulis, biglang nanutok ng baril ang backrider na suspek na si Trinidad kay P/Cpl Joselito Saygo na maagap namang nakabunot din ng baril at pinaputukan sa paa si Trinidad.

Ang driver ng motor na si Almojuela nakatakas nang paputukan si P/SSgt Bruzo na tinamaan sa kanyang body vest.

Gumanti ng putok ang pulis at posibleng tinamaan ang suspek dahil sa bakas ng dugo sa pinangyarihan ng insidente.

Ang arestadong suspek at mga narekober na ebidensya, dinala sa istasyon para iproseso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">