Advertisers
Ni JULIET Q. PACOT
TULOY na ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 sa September 30, 7pm sa Henann Resort Convention Center sa Panglao, Bohol.
Ito ay sa kabila ng pagtaas ng Covid-19 cases sa Bohol at National Capital Region na isa sa mga dahilan kaya naudlot ang unang plano na idaos noong September 25 ang grand coronation.
Pinayagan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagsasagawa ng Miss Universe Philippines coronation event mula Setyembre 26 hanggang October 1.
Pero nabatid na nakasasalay pa rin sa host province ang pagsasagawa ng event dahil subject pa rin ito sa mahigpit na health at safety protocols.
Kung maaalala, nasa 28 candidates sa buong kapuluan ang sasali sa kumpetisyon sa Miss Universe Philippines edition ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Para sa pre-final activities, narito ang schedule ng Miss Universe Philippines Organization:
September 23, National Costume
September 24, Preliminary Interviews
September 26, Preliminary Swimsuit and Evening Gown
September 29, Last day of voting
Ilang araw lamang maaantala ang grand finals dahil ang koronasyon sa bagong tatanghaling pambato ng bansa ay gaganapin sa Sept. 30.
May partisipasyon din sa gabi ng koronasyon ang mga runner-up ni Rabiya Mateo noong 2020, si Rabiya ang magsasalin ng bagong korona sa tatanghaling panalo.
Matutunghayan naman ang delayed telecast ng contest na ipalalabas sa GMA-7 sa susunod na Sabado, October 3, ganap na alas-9 ng umaga.