Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA kabila ng banta ng killer virus dahil sa patuloy na pagtaas nito dahilan para maging pabagu-bago ang health protocols kaya naman ang kasalan na inaabangan sa couple na Carla Abellana at Tom Rodriguez ay walang maibigay na saktong petsa.
Pero tila ‘di na yata mahahadlangan ng pandemya ang kasalan ng mag sing irog at talagang tuloy na ito.
At marami na nga ring celebrity couples na nagpakasal sa panahon ng pandemya kaya minabuti nina Carla at Tom na itakda na rin ang kanilang kasalan nitong darating na Nobyembre.
Siniguro naman ng couple na itong parating na Pasko ay legal na mag-asawa sina Carla at Tom.
Dahil sabik na mag-isang dibdib sina Carla at Tom ay never naman makahahadlang ang nararanasang pandemya para sa kasalan ng dalawa bago matapos ang taong 2021.
Hindi nga lang sina Carla at Tom ang excited at ultimo ang kanilang anak at mga malalapit na kaibigan.
Wow, bonggacious!
***
pagsasama sa serye nina Jennylyn at Xian Lim, kinontra at tinurulan
MAY mga netizen na nagsabi na tila ‘di bagay sina Jennylyn Mercado at Xian Lim para magsama sa seryeng Love Die Repeat.
Kasalukuyang nasa lock in taping na sina Jennylyn at Xian.
At ilang buwan din sila sa lock in taping ay bubuuin. May mga nakapuna na netizens na tila may edad na si Jennylyn nang ipartner ito kay Xian.
Nagmukha nga raw ate si Jenn sa pagsasama nila ni Xian sa serye.
May mga nagkomento pa na kay Kim Chiu bagay ipareha ito dahil magkaedaran lang sila.
Pero malabo naman yun dahil magkaiba sila ng network. May mga netizen naman na nagsasabi na bagay na ang dalawa.
Nagmukha nga raw madyonda ang gf ni Dennis Trillo nang ipareha ito kay Xian sa kabila ng mga bira ng bashers ay tuloy na ang paggiling ng nasabing serye ng GMA-7.
Well, well, well…’Yun na!