Advertisers

Advertisers

Marco viral ang pagpapakita ng pwet sa pelikula

0 723

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PINAG-uusapan ang pwetmalu scenes ni Marco Gallo sa pelikulang “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” na buong ningning na nagpakita siya ng ‘behind’ in broad daylight.

Aniya, hindi raw naman big deal sa kanya ang nudity dahil bahagi raw ito ng trabaho niya bilang aktor.



Isa kasi sa requirement ni Direk Daryl Yap sa kanyang aktor ay iyong kayang magpakita ng puwet sa nasabing pelikula na palabas na sa Vivamax simula sa Oktubre 1.

Dagdag pa niya,  bukod daw sa hinihingi ng istorya ay gusto niyang maging realistic ang portrayal niya sa pelikula.

Hirit pa niya, ayaw din niyang maging “cause of delay” ng produksyon kaya pumayag siya sa required butt exposure.

“It’s a shower scene. My role needed to take that shower…and that’s what people normally do when they take a shower, “paliwanag niya.

Hindi rin siya na-conscious habang kinukunan ang nasabing sequence at nasaksihan ng kanyang mga katrabaho ang kanyang genitals.



“It’s actually no big deal for me. In Italy and even in other European countries, we are used to it. There are even nudist beaches,” esplika niya.

Proud naman siya na maidirek at makatrabaho ang kontrobersyal na director na si Darryl Yap.

“In the Philippines,  movies get repetitive sa themes.This one is a refreshing thing for me. It’s different and daring from what I’ve done before. It’s also quite an experience to be directed by a young and talented filmmaker na you get along well with his vibe, ” ani Marco.

Hindi rin niya isinasara ang pinto sa mas mapangahas na papel sa hinaharap.

Sa pelikula, ginagampanan ni Marco ang papel ni Giuseppe, isang college student na mapapadpad sa isang baryo para magsaliksik tungkol sa mythical Pinoy creatures o “aswang” para sa kanyang thesis.

Makikilala niya roon ang eccentric barrio girl na si Giniper (Aubrey) na tutulong sa kanya sa kanyang pagre-research.

Makakasama rin nina Marco at Aubrey ang comedians at viral YouTube vloggers na sina Chad Kinis, Lassy Marquez at MC Calaquian, mas kilala bilang Beks Batallion, Teresa Loyzaga, Gina Pareño at Johnny Revilla.

Mapapanood ang “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe simula ngayong Oktubre.