Advertisers

Advertisers

Rocco super pasalamat sa nominasyon sa PMPC

0 244

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

LABIS ang pasasalamat ni Rocco Nacino sa PMPC!

Isang mensahe sa Instagram direct messaging ang ipinadala sa amin ng Kapuso actor…



“Thank you talaga sa PMPC! Naku kung alam ninyo lang kung gaano ninyo ako napasaya! (3 heart emojis) Thank you again for the nomination!”

Nominado kasi si Rocco bilang Best Drama Supporting Actor sa 34th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa Oktubre.

Ang nominasyon ni Rocco ay para  sa Philippine adaptation ng sikat na Korean drama na Descendants Of The Sun na gumanap siya bilang sundalong si Diego Ramos o Wolf.

Ayon pa kay Rocco sa Zoom mediacon ng To Have And To Hold

“It felt so good para maranasan ko yan at maramdaman ko nung sinend sa akin ng mga program managers, ng mga bosses, yung photo of the  nomination certificate.



“It felt so good to see something na I felt appreciated with Diego Ramos’ character. Malapit na malapit sa akin yung Descendants Of The Sun kaya nagpapasalamat ako kay God na ginawa niyang ganito ang itsura ko kaya nakuha ko yung role at kamukha ko raw si Jin Goo.”

Malaki ang pagkakahawig physically nina Rocco at ng Korean actor na si Jin Goo na gumanap sa orihinal na papel na ginampanan ni Rocco.

“Kaya kung may papasalamatan po talaga ako, iyon ay yung aking kapatid sa Korea, siya po talaga ang may dahilan niyan,” at tumawa ang Kapuso actor.

Ang mga makakalaban ni Rocco sa Star Awards ay sina Gabby Eigenmann (Bilangin Ang Bituin Sa Langit), Gardo Versoza (Sandugo), Jaime Fabregas (FPJ’s Ang Probinsyano), Joel Torre (Starla), Michael de Mesa (FPJ’s Ang Probinsyano, at Roderick Paulate (One of the Baes).

Ano ang naramdaman niya noong malaman niya kung sino ang mga makakatunggali niya?

“Oh my,” at muling tumawa si Rocco. “Sabi ko, honestly ang nasa isip ko talaga ay wala po ako sa kanilang level.”

Banggit namin kay Rocco, ka-level niya ang mga nabanggit na aktor kasi nga ay pare-pareho silang nominado sa isang kategorya.

“I mean the nomination itself is already an award para sa akin.

“At malaki ang maitutulong niyan sa magagamit kong drive sa paggawa ng mas marami pang proyekto with the Kapuso network.

“And it’s beautiful to know na, ‘Wow, sa tingin nila kaya kong masama sa category’ng yun!’

“So it’s very motivating. It’s, ano’ng tawag dito, nakakakaba siyempre na makita yung mga pangalan na yun kasi mabibigat na mga pangalan yung kasama ko po and  it’s actualy an honor.

“Whatever the result may be ako ay masayang-masaya na ako ay naisama doon [sa mga nominado].”

Samantala, male lead si Rocco sa To Have And To Hold ng GMA.

Ipalalabas simula Lunes, September 27, sa GMA Telebabad, gaganap dito si Rocco bilang si Gavin Ramirez, si Max Colis bilang Dominique Ramirez at Cara Abellana bilang Erica Gatchalian.

Sa direksyon ni Don Michael Perez, kasama rin sa To Have And To Hold sina Luis Hontiveros bilang Daryl, Athena Madrid bilang Grace, Valeen Montenegro bilang Sofia, Gilleth Sandico bilang Vicky, Roi Vinzon bilang Giovanni, Bing Pimentel bilang Millet at Ina Feleo bilang Quel.

May special participation dito si Rafael Rosell bilang Tony Gatchalian.