Advertisers
Personal na tinungo ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga frontline healthcare workers sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC), Cotabato City nitong September 24, upang alamin ang pangangailangan ng mga ito at bigyang halaga ang kanilang kontribusyon sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Pinapurihan ni Go ang mga bumubuo ng CRMC sa kanilang sigasig na mapaunlad ang kalidad ng health services gayundin ang pagtatayo ng Malasakit Center.
“Naaalala ko nung pumunta ako dito para buksan ang 16th Malasakit Center sa bansa. Ako po’y natutuwa na since then meron na tayong 141 sa buong Pilipinas! Nagpapasalamat ako kay Mayor [Frances Guiani-Sayadi] and Dr. [Ishmael Dimaren] para sa inisyatibo ninyo na magpatayo ng building para maging mas komportable ang ating mga kababayan,” saad ni Go.
Inalam din ni Go ang operations ng Malasakit Center na personal nitong pinasimulan noong November 19, 2018. Ang center ay isang one-stop shop na nagkakaloob ng mabilis at maalwang makabahagi sa medical assistance programs ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang programa ay naglalayong mabawasan ang bayarin sa ospital ng mga pasyente na kinapapalooban ng surgeries, medicines at oba pang patient services at expenses. Ito ay nilikha sa ilalim ng Malasakit Centers Act of 2019 na inakdaan at inisponsoran ni Go sa Senado.
Sa mensahe ni Go sa mga hospital staff ay nagpaalala ito na unahin ang mga mahihirap at underserved communities na lubhang naapektuhan ng pandemic. Nangako rin ito na palalawigin ang kaniyang pagsuporta upang ang CRMC ay magkaroon ng resources na maipagkakaloob nila sa mga pasyente.
”Gaya ng sinabi ko sa mga doktor at social worker kanina, full support ako sa inyo dito pero pakiusap, ‘wag niyo pong pababayaan ‘yung mga mahihirap natin na kababayan,” pahayag ni Go.
“Bilang inyong committee chair on health sa Senado, you have my full support. Kung ano man ang kailangan ninyo sa inyung ospital, magsabi lang kayo at gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya upang tulungan kayo,” pangangako pa nito.
Bunsod nito ay nangako si Go na ipupursige nito ang seguridad ng health workers.Kamakailan ay naghain ito ng Senate Bill No. 2398 na naglalayong mabigyan ang health workers ng tuloy-tuloy na mga allowances at benepisyo sa panahon ngayon ng state of public health emergency.
Ang bill ay magkakaloob ng fixed monthly COVID-19 special risk allowance sa lahat ng health worker, bilang karagdagan sa hazard pay na iginagarantiya sa ilalim ng Magna Carta of Public Health Workers. Magkakaloob din ng karagdagang monthly Active Hazard Duty Pay sa mga public health workers.
“Walang pinipili dapat. Mapribado man o mapampubliko ay dapat fixed ang SRA ninyo. Huwag nilang sasabihin na ang mga ito lang ang exposed tapos kukuwentahin pa ang mga araw na exposed kayo. Pagpasok mo sa ospital, dapat considered exposed ka na! Bakit? Nakikita ba natin ang virus?” pagpapatuloy ni Go.
”Napakaliit na halaga ito sa sakripisyo na ginagawa ninyo. Hindi mababayaran ang buhay at kalusugan niyo kaya dapat ibigay ng gobyerno kung ano ang dapat sa inyo,” saad pa nito.
Inakdaan at ipinursige kamakailan ni Go ang Salary Standardization Law 5, na magbibigay sa mga nurse at iba pang civilian government employees ng kanilang fifth round of salary increases. Tiniyak din nito ang sapat na pondo na ilalaan sa implementasyon ng Supreme Court decision upholdgeing Section 32 ng Philippine Nursing Act of 2002 na magpapataas sa minimum salary grade ng Nurse I position sa SG-15 in 2020, 18 years matapos ang pagsasabatas.
Umapela si Go sa lahat na ipagpatuloy ang pagsuporta sa government’s effort na mapigil ang hawaan ng COVID-19, upang maisalba ang buhay ng mga nakararami. Pinapurihan nito ang vaccination ng lungsod at nagkaloob ito ng tulong sa local government na makakuha pa ang mga ito ng vaccines alinsunod sa vaccination guidelines.
“Congratulations sa mataas na vaccination rate! Kung kailangan niyo ng bakuna, tutulong ako para makarating ito kaagad dito sa inyung lugar. Pakiusap ko lang sa mga hindi pa nagpapa-vaccinate, salig kamo sa bakuna. Huwag kayo matakot dahil hindi ito nakakamatay,” saad ni Go.
”Pinag-aaralan na rin ng gobyerno itong Oktubre ang magbubukas ng programa sa general public, kasama na ang mga bata from 12 to 17 years old. Ngayong, may pilot face-to-face classes, maging mas vigilant tayo at unahin natin ang buhay ng bawat Pilipino,” pagtatapos nito.
Ang mga staff ni Go ay namahagi ng pagkain, food packs, vitamins, masks, at face shields sa kabuuang 1,848 health workers at 270 indigent patients.
Ilang piling health workers ang nabigyan ng new pairs of shoes at ang iba naman ay bicycles para magamit nila sa pang-araw-araw na biyahe patungo sa kanilang mga trabaho. Ang iba naman ay nabigyan ng computer tablets para magamit ng kanilang mga nagsisipag-aral na mga anak.
Dagdag dito, ang representatives mula sa DSWD ay namahagi ng financial assistance sa mga indigent patient at sa 1,116 rank-and-file hospital employees, kabilang na ang.mga janitors at security guards.
Ilan sa mga dumalo ay ang Inter-Agency Task Force – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Head Asnen Pendatun; Minister of Health Dr. Bashary Latiph; Minister of Public Works Eduard Guerra; Mayor Guiani-Sayadi; Vice Mayor Graham Guiani-Dumama; Councilor Abdillah Lim; Sultan Kudarat, Maguindanao Mayor Datu Shameem Mastura; Medical Center Chief Dr. Dimaren, at maraming iba pa.
Matapos ang aktibidad ay nagtungo naman si Go sa Isulan, Sultan Kudarat na sinamahan nito si President Rodrigo Duterte sa pagsaksi sa inagurasyon ng bagong Sultan Kudarat Provincial Hospital.