Advertisers

Advertisers

Hanggang Sept. 30!

0 674

Advertisers

HUMIRIT sina Vice President Leni Robredo, Senador Bong Go at dating Senador Bongbong Marcos ng hanggang katapusan ng buwan para magdesisyon kung kakasa sa presidential race 2022.

Ang deklarasyon ng tatlong ito nalang ang pinakahihintay ng sambayanan, matapos mag-anunsyo ng kanilang pagtakbo sa pagkapangulo sina Senador Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at pag-endorso kay Sen. Manny Pacquiao few weeks ago.

Sinabi nina Robredo, Go at Marcos na bigyan pa sila ng hanggang Sept. 30 para ianunsyo ang kanilang desisyon para sa darating na halalan, Mayo 9, 2022.



Ang simula ng filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ay sa Oktubre 1 to 8. At ang substitution ay hanggang Nobyembre 15.

Si Robredo, nabigong makumbinsi si Isko na maging running mate (Vice) niya, ay kasalukuyan naman nakikipag-usap uli kay Pacquiao para sa kanilang tandem. Kabilang ni Robredo na kumukumbinsi sa boxing senator ang mga opisyal ng 1Sambayan na sina dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, retired Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio at Conchita Carpio-Morales, at dating Education Secretary Brother Armin Luistro.

Unang nag-usap sina Robredo, Isko at Pacquiao ilang araw bago isapubliko ni Isko ang kanyang pagtakbong pangulo sa ilalim ng partido Aksyon Demokratiko.

Bagama’t si Pacquiao ay inendorso na ng ruling PDP Laban-Pimentel faction para presidente, hindi naman ito pormal na nagdeklara ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo. Target siya ngayon kuning Vice ni Robredo ‘pag natuloy ang pagtakbo ng huli.

Ang pinaka-aabangan ay itong sina Go, Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Kung sino sa kanila ang tatakbong Pangulo at kung sino ang Vice at ang magpaparaya, o isa pa sa kanila ang lumaban narin sa pagka-Pangulo.



Si Sen. Go ang inendorso ng PDP Laban-Pimentel faction para Presidente at si graduating president Rody Duterte ang Vice.

Sabi ni Sara, kung tatakbo manlang ang kanyang ama, mag-reelect nalang siya as mayor ng Davao City.

Kung ‘di naman matuloy ang Go-Duterte, posibleng mabuo ang Marcos-Sara o Sara-Marcos. Puede rin ang Marcos-Go o Go-Marcos.

Si Sara at kanyang ama ay nangunguna sa mga nakaraang survey. Pero bumabagsak na ngayon ang rating ni Digong dahil sa napakahinang pagtugon sa pandemya ng Covid19 at mga nabunyag na grabeng katiwalian sa pagbili ng medical supplies para sa Covid19, kungsaan ipinagtatanggol pa ng pangulo ang mga dating opisyal niya na sangkot sa sinasabi ni Senador Richard Gordon na “mother of all corruptions”.

Pumapangalawa sa poll surveys si Isko at sumusunod sina Marcos at Pacquiao. Malayo sina Robredo, Lacson at Go.

Well, 3 days nalang at malalaman na natin ang final answer sa mga katanungan at agam-agam na ito. Abangan!

***

Kung aatras si VP Leni sa pagtakbong Pangulo, ang malamang na kumasa para sa oposisyon ay si dating Senador Antonio Trillanes na open din maging VP ni Leni kung sakali.

Sinabi ni Trillanes na bibigyan niya ng hanggang Sept. 30 para magdesisyon. Subaybayan!