Advertisers
Boluntaryong inginuso ng isang dating miyembro ng New Peoples Army (NPA), kung saan nila ibinaon at itinago ang mga pagkain at gamit ng kilusan sa liblib na lugar sa Gapan Nueva Ecija.
Sa report ni P/Col Fitz Macariola, hepe ng Regional Mobile Force Battalion Commander, (RMFB-3) natuton nila ang lugar sa Nueva Ecija sa pamamagitan ng mga rebelasyon ni alyas Ka Baste.
Nakuha ng mga operatiba ng 84th IB 7ID ng Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force ng Nueva Ecija, 22nd SAC SAF at RMFB3 ang 25 litro ng bigas, na nakalagay sa 4 na puting galon, dalawang 9 volts battery,10 piraso ng non electric blasting cap, 4 electric blasting cap, 1 time fuze, 10 inches, isang 60MM na walang fuze, at iba’t-ibang gamit sa paggawa ng bomba. (Thony D. Arcenal)