Paglilibing sa mga nasawi dahil sa Covid-19 sa Solano, Nueva Vizcaya, pinababayaran ng kinse mil kada bangkay?
Advertisers
MARAMI ng sumbong na dumating sa atin na may mga Covid patient umano na namamatay sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya ang sinisingil para ayusin ang libing or cremation
Kinse mil (15K) daw di-umano ang hinihingi ng MDRRMO ng Solano para asikasuhin ang mga namatay sa sakit na Covid!
Ayon sa ating source ayaw nang asikasuhin ng ilang mga taga- munisipyo na humahawak ng mga may kinalaman sa ganitong klaseng namamatay sa Covid-19 na kanilang mga kababayan sa takot na baka sila naman ang mahawaan din ng virus.
Tila pinandidirian at kailangan pang bayaran ang kanilang serbisyo sa napakalaking halaga.
Totoo po ba ito Mayora Eufenia Ang-Dacayo ma’am?
Isipin mo na lang, namatayan ka na nga inaakala mo lalo’t sa ganitong sitwasyon na may pamahalaan kang maasahan ngunit ang totoo ilulubog ka pa pala nito sa kalungkutan dahil kailangan mo pa ngang bayaran ang kanilang serbisyo.
Mukhang nakalimutan na ng pamahalaan ng Solano kung bakit sila nand’yan at kung para kanino ba bakit sila itinalaga d’yan.
Kelan pa nagkaroon ng bayad ang pag seserbisyo sa bayan o pagseserbisyo-publiko sa bayan ng Solano?
May alam kaya si Mayora Ang-Dacayo sa mga nangyayaring ito?
Lugmok na nga po sa kahirapan dahil sa pandemic ang mga taga-Solano, wala pa silang masulingang gobyerno para sila tulungan at pagmalasakitan sa kanilang nararanasang matinding pagsubok na dinaraanan.
Kapag namatay dahil sa Covid-19 ay deretso cremate na or libing na!
Magbabayad ka na sa paglilibingan, magbabayad sa hospital, pati ba naman sa mag-aasikaso para mailibing ng maayos o mai-cremate ay gagastos ka pa rin.
Bukod pa dito ang serbisyo ng punerarya.
‘Yan ang nagiging dahilan kung bakit maging sa ibang probinsya ay natatambak o naiipon ang mga bangkay ng mga covid victims.
Sa ngalan ng patas na pamamahayag, nais nating kunan ng panig si Mayor Ang-Dacaya ng bayan ng Solano hinggil sa mga hinaing na ito na ipinararating sa inyong lingkod ng kanyang mga constituents.
Mangyaring makipag-unayan lamang po sana ng personal na si Mayora Eufenia sa inyong lingkod at malugod po nating nanaising marinig ang kanyang side sa isyung ito.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com