Advertisers

Advertisers

PNP motorcycle riding course

0 1,200

Advertisers

PARA lalong mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad sa Timog Katagalugan, isang grupo ng motorcycle enthusiast ang sumailalim sa masusing pagsasanay para maging katuwang ng kapulisan sa pagresponde sa panahon ng pangangailangan.

Ang pagbibigkis ng nasabing grupo, karamihan sa mga ito ay nakabase sa may apat na siyudad at 30 bayan sa lalawigan ng Batangas ay itinuturing na morale support sa hanay ng pulisya.

Kaya naman walang pag-aatubiling dumalo si PNP Region 4A Director, P/BG General Eliseo DC Cruz noong September 23, 2021 nang hilingin ng nasabing grupo na patnubayan ang kanilang pagtatapos sa isinagawang ilang araw na Motor cycle Riding Course.



Ang pagsasanay ay ginanap sa Batangas PNP Provincial Police Compound sa Camp General Miguel Malvar, Batangas City.

Sa naturang okasyon ay pinapurihan ng heneral ang bumubuo ng training staff na gumabay sa Executive Motorcycle Riding Course Classes 21 (Alha & Bravo) and 22 (Alpha & Bravo)-2021 sa ilalim ni P/Col. Rolando E. Destrura. Si Rev. Fr. P/LtCol Joel B. Barallas ang nanguna sa invocation.

Ayon kay General Cruz ang nagsipagtapos na 146 riders ay magsisilbing force mulitiplier ng kapulisan sa pagbaka laban sa elementong kriminal na nag-aabang ng kanilang mga biktima sa mga lansangan at saan mang lugar hindi lamang sa buong lalawigan ng Batangas kundi maging sa buong CALABARZON area.

Tiwala ang heneral na marami pang samahang sibiko ang susunod sa yapak ng mga motorcycle riders at tutugon sa tawag ng pangangailangan, makikipagtulungan sa PNP para sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa mga komunidad ng naturang rehiyon.

Mapalad naman ang mga motor rider group pagkat sinusuportahan ang mga ito ni Batangas PNP Provincial Police, P/Col. Glicerio Cansilao na isa ring motor cycle riding enthuesiast.



Si General Cruz at Col. Glicerio Cansilao ay kapwa di matatawaran ang kasanayan sa motor cycle riding.

PANAWAGAN: GENERAL ELEAZAR SA SENADO!

HINDI lamang miminsan, kundi napakalimit na sa halip na gantimpala ay patong-patong na reklamo ang kinasasadlakan ng ilang pulis sa kanilang pagtupad sa tungkulin.

Ito ay hindi kataka-takang mangyari lalo pa kapag ang complainant o ang pamilya nito ay nakaririwasa, maimpluwensya na kayang kumuha ng serbisyo ng mga de kalidad na abogado.

Kaya sa kabalintunaan, ang baluktot ay naitutuwid at ang tuwid naman ay nababaluktot. Malaki naman ang pasasalamat ng mga dependents ng ating kapulisan sa polisiya ni PNP Chief, General Guillermo T. Eleazar na mabigyan ng pagkilala ang mga miyembro ng kapulisan na maayos na tumutupad sa kanilang mandato ngunit mahigpit namang nagpapataw ng kaparusahan sa mga tinatawag na police scalawag.

Tunay na nagkaroon ng “chilling effect” ang internal cleansing drive ni PDG Eleazar lalo pa’t sunod-sunod ang pagsisibak sa tungkulin ng ilang mga “utak pulbura ” at iba pang uri ng tiwaling pulis.

Ang mga repormang ipinatutupad ni Gen. Eleazar na hindi nagawa ng mga sinundan nitong PNP Chief ang isa sa malaking dahilan kung bakit nagkakaroroon ng “snow balling”move para hikayatin ang magiting na heneral para tumakbo sa pagka-senador pagkapag-retiro sa police service sa hahalileng buwan.

Napakalaki ng tiwala ng mga mamamayan kay Eleazar!

Walang duda na susuportahan si General Eleazar ng sambayanan. Wika nga ng kasabihan, “pagnanayunan, pagbabayan-bayanan at magsisyudad-siyudad” na botante ang tatangkilik kay Guilor Eleazar (palayaw ni general) kapag napagdesisuyunan na nito na tanggapin ang hamon na ituloy niya ang kanyang serbisyo mula sa PNP patungo sa Senado!

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.