Advertisers

Advertisers

Rep. Defensor, nagpokus sa ABS-CBN at QC

0 316

Advertisers

HINDI kalabisan na sabihing hindi nasayang ang boto ng mga botanteng naghalal sa partidong Anakalusugan noong halalang 2019 dahil ang naging kinatawan nito sa Kamara de Representantes na si Representative Michael “Mike” Defensor ay napakaaktibo at napakasipag.

Sa mga nakasubaybay kay Defensor sa Kamara, kabilang na ang Kolumnistang ito, nakitang isa ang kongresista sa aktibong bumisisi at nag-imbestiga nang todo laban sa ABS-CBN Corporation ng pamilya Lopez.

Dinaig ni Defensor ang mga mambabatas na kabilang sa oposisyon tulad ng Liberal Party (LP).



Kahit sa labas ng Kamara, pinatunayan ni Defensor na siya ay totoong aktibong kongresista.

Kaya, siguradong ipinagmalaki siya ng kanyang mga kasamahan sa Anakalusugan, lalo na ang ilang pulitikong nakabase sa Batangas na siyang kasapakat ni Defensor sa nasabing party-list.

Ngunit, kung susuriing mabuti, matutuklasang halos nagpokus si Defensor sa ABS-CBN at pamilya Lopez at Quezon City.

Ilang isyu sa kalusugan sa Quezon City kung saan ang pamahalaang lokal ay pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.

Hindi inintindi at hindi inasikaso ni Mike Defensor ang kalusugan ng ibang mamamayan na hindi mga naninirahan sa Quezon City.



Pokaragat na ‘yan!

Matagal nang kalaban ni Defensor sa pulitika ang pamilya Belmonte.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi pa man alkalde si Joy ay kalaban na ni Mike ang mga Belmonte mula noong nakapuwesto pa sa pamahalaan si dating mayor at dating speaker Feliciano “Sonny” Belmonte.

Si Defensor ay naging kongresista noon ng ikatlong distrito ng Quezon City.

Minsang tumakbo si Defensor sa pagkaalkalde ng Quezon City, ngunit ibinasura siya ng mga residente.

Hindi ko alam kung bakit ayaw sa kanya ng mga taga-QC.

Sa isyu ng ABS-CBN, sinamantala at sinunggaban ni Rep. Mike Defensor ang tinatawag na “oportunidad” laban sa pamilya Lopez dahil ang mining company na kinabibilangan ni Defensor ay isa sa mga kumpanyang ‘tinamaan’ ng desisyon at aksyon noon ni Environment Secretary Regina “Gina” Lopez.

Pokaragat na ‘yan!

Nagtagumpay ang adiministrasyong Duterte at mga ‘bataan’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara laban sa ABS-CBN.

Ngayong nalalapit ang eleksyong 2022, hindi maipagkakailang napakaaktibo ni Rep. Defensor laban sa administrasyon ni Belmonte, partikular na kay Mayor Joy Belmonte.

Kaya, maraming nag-iisip na tatakbong alkalde ng Quezon City si Mike Defensor.

Malalaman natin mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 kung lalabanan niya si Joy.