Advertisers
KASABAY ng National Physicians’ Day, ipinakita ni Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang kanyang pagsuporta sa medical workers sa pamamagitan ng pagsususog ng resolusyon na kumikilala sa sakripisyo ng lahat ng Filipino doctors na sumasagupa sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang manifestation Senate session, binigyang pugay ni Go ang ipinakitang dedikasyon ng mga doktor sa sinumpaang magsisilbi sa kapwa sa kabila ng banta coronavirus maging sa kanilang sariling kalusugan.
“As we battle this pandemic, we see every day the heroic contributions of our healthcare workers including our doctors … Our medical frontliners have faced the challenge of providing care for patients with COVID-19, risking their own lives to save the lives of others,” ani Go.
“Almost two years na po silang nakikipaglaban sa pandemyang ito. Alam kong pagod at hirap na sila kaya hindi tayo dapat magkulang sa suporta. Sa katunayan, nai-report na nga na ilan sa mga ospital dito sa Metro Manila ay umaabot na sa full or critical capacity, tulad ng St. Luke’s Medical Center… nahahawa at nagkakasakit na rin ang karamihan sa mga healthcare workers,” idinagdag ng senador.
Para matiyak na maayos na mabebenepisyuhan ang medical workers, nangako si Go na patuloy na itutulak ang kagyat na pagpapasa para maging batas ang Senate Bill No. 2398 o ang Allowances and Benefits for Healthcare Workers Act of 2021.
Sa panukalang ito, ang lahat ng HCWs na nagtatrabaho sa mga health facilities ay bibigyan ng fixed monthly COVID-19 special risk allowance, bilang karagdagan sa hazard pay na ibinigay sa kanila sa ilalim ng Magna Carta of Public Health Workers, sa gitna ng patuloy na State of Public Health Emergency.
Higit dito, ang lahat ng medical expenses sa anumang work-related injury o sakit dulot ng COVID-19 exposure ay sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation.
“Isa ito sa pagpapakita ng pasasalamat ng gobyerno at ng buong bansa para sa napakalaking sakripisyo ng ating mga doktor at heathcare workers. I thank our Chairman of the Committee on Finance, Senator (Sonny) Angara for prioritizing this measure,” ayon kay Go.
Para palakasin naman ang health workforce, inihain din ni Go ang SBN 1451 noong April 2020 na layong itatag ang Medical Reserve Corps na bubuuin ng mga indibidwal na may degrees sa health-related fields ngunit wala pang professional licenses.
Gagamitin ang Medical Reserve Corps para umasiste sa national government at sa local government units sa pagtugon sa medical needs ng publiko sa oras ng national emergencies.
Noong 1978, idineklara ang Setyembre 27, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1789, bilang National Physician’s Day.