Advertisers
Nakakasiguro na ng patuloy na dekalidad at may malasakit na serbisyo ang mamamayan ng lungsod ng Paranaque makaraan walang magtangkang lumaban sa magkapatid na Mayor Edwin Olivarez at Congressman Eric Olivarez para sa nalalapit na 2022 elections.
Tatakbong alkalde kapalit ng kanyang Kuya Edwin na nasa hili at ikatlong termino si Cong.Eric samantalang pagka- Kongresista naman sa Unang Distrito ng lungsod ang takbo ng workaholic mayor.
Indikasyon ito na kinikilala maging ng mga kalaban sa pulitika ng pamilya Olivarez na walang katapat ang naging paglilingkuran ng magkapatid sa kanilang mahal na siyudad.
Malaking bagay para ganap na kilalanin ng mga Paranaquenos ang sakripisyo ng Olivarez sibling sa Covid-19 collective response action ng magkapatid.
Walang takot at kapagurang regular na sinusuyod nina Mayor Edwin at Cong.Eric ang bawat sulok ng siyudad upang maghatid ng tulong at pagdamay.
Mula sa mga pangangailangang medikal,pagkain,financial at material na ayuda hanggang sa pagbabakuna ay may maayos at matinong programa ang magkapatid.
Pinagsama ng Olivarez brothers ang puwersa ng city hall at 1st congressional district ng lungsod upang maipagkaloob lamang ang nararapat na pag-ayuda at pag-aaruga sa mamamayan.
Nanatiling magkakaalyado pa rin sa pulitika ang mga Golez at Olivarez makaraang magdesisyon si Vice Mayor Rico Golez na nasa huling termino na rin nito na mag-slidedown at tumakbong Konsehal sa 2nd District.
Si Guada Golez naman na nakababatang kapatid ni VM Rico ang papalit sa kanya bilang katandem naman ni Eric Olivarez.
Sa Second Congressional District,unopposed din ang nagbabalik na si Cong.Guz Tambunting na hahalili naman sa kanyang Congresswoman wifey na si Rep.Joy Tambunting na balik-negosyo naman.
Maganda talaga sa Paranaque.Matitino ang tao.Yung mga alam nilang wala silang kalaban-laban sa darating na elekson ay pinili na lamang manahimik sa isang tabi.
Di kagaya ng ibang pulitiko dyan na kahit pa nga suntok sa buwan,nilalait at pinagtatawanan ay larga pa rin.
Maging sa presidential derby,may ilan pa rin malalakas ang loob at sobrang believe sa sarili na tatakbo.
Kilala na rin naman ang mga kolokoy na ito na nag-iilusyon pero walang kakayanang mamuno ng bansa.
Daragdag lamang imbes na makatulong sa problemang kinakaharap ng bansa.
May mga makakapal din senador na tatakbong muli for reelection kahit namamaho na ang pagkatao at walang silbi at buting ginawa sa mamamayang Pilipino.
Yan po ang mga tinatawag nating professional politicians na ginagawang hanapbuhay ang kanilang posisyon sa halip na magkaloob ng serbisyo publiko sa masang Pilipino.
Sabi nga ng mga kabataang botante natin,bakit puro bilasa at laos na pulitiko ang nasa senatorial line up ng 1Sambayan at ng oposisyon?
Sabi po nila yan ha? Di po tayo nagsabi nyan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com