Advertisers

Advertisers

Carla Abellana aminado, natatakot sa pag-aasawa

0 296

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

“I play the role of Erica Gatchalian sa To Have And To Hold. She is a devoted, selfless wife.

“Makikita nyo, maliit lang ang kanyang circle, maliit lang ang kanyang family, it’s really just her her husband Tony and ang kanyang mother, si Vicky.



“Si Erica is from a broken family in a way, anak siya sa labas. So to her, family is everything, and gagawin niya ang lahat para buo pa din ang pamilya niya.

“Hindi siya papayag na basta-basta na lang masisira ito.”

Ito ang umpisang kuwento ni Carla tungkol sa kanyang papel sa teleserye ng GMA na To Have And To Hold.

Tungkol sa mag-asawa ang premise ng show, at nagkataon namang sa susunod na buwan ay isa nang tunay na misis si Carla.

Ikakasal na kasi sila ni Tom Rodriguez sa Nobyembre sa Tagaytay.



“Okay naman po! May mga times na nakakatakot, minsan natatakot po ako parang, ‘Ano ba ito?’

“Pero hindi naman to the point of course po na parang nagdadalawang-isip or anything. Pero maganda siya kasi andami pong lessons.

“I don’t necessarily identify myself sa tatlong characters nina Gavin, Dominique at Erica pero may nakukuha po ako from all of them.

“Sa bawat isa po sa kanila may nakukuha po ako, may napupulot akong lesson and in a way I can somehow imagine myself being in their situation na napapatanong po talaga ako sa sarili ko.

“But then again, iba po yan kapag iyon nga, kasal na, kapag mapasok ko man ang ganung sitwasyon, huwag naman po sana, knock on wood,

“Pero yes, basically, it’s not just about infidelity, or mistakes, it’s about you know, protecting your family, your loved ones, fighting for your husband or your wife, and forgiveness.

“So madaming lessons for married couples po,” sinabi pa ni Carla.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

No need to worry ang fans ni Mang Tani na nakaka-miss na sa kanya dahil nagbabakasyon lang pala ito sa Australia kaya hindi siya napapanood lately sa 24 Oras.

Mismong ang 24 Oras anchors na sina Mel Tiangco, Vicky Morales, at Mike Enriquez ang nagbahagi ng update tungkol sa resident meteorologist ng GMA News.

Marami na rin kasi ang nagtatanong kung bakit hindi nila napapanood si Mang Tani sa 24 Oras. Kaya naman nitong Huwebes, may cute na shout-out ang tatlo para kay Mang Tani.

“Bago po tayo magtapos shout-out muna tayo sa ating ekspertong totoo, si Mang Tani, si Ginoong Nathaniel Cruz,” panimula ni Mel.

“Si Mang Tani po ngayon ay nasa Melbourne, Australia kasama ang kanyang pamilya,” paglalahad ni Vicky.

“Alam naman namin na marami nang nakaka-miss kay Mang Tani, ang aming resident meteorologist,” say pa ni Mike.

Naka-base sa Australia ang pamilya ni Mang Tani kaya naman madalas talaga siyang magpunta roon.

Tulad ng kanyang kasamahan sa 24 Oras, miss na rin ng viewers si Mang Tani pero deserve niya rin naman magbakasyon kasama ang kanyang pamilya. Abangan na lang natin ang kanyang pagbabalik!