Advertisers

Advertisers

Kylie aprub sakaling magkadyowa na ng iba si Aljur; Lovi feel makagawa ng action serye sa Dos

0 234

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI man si AJ Raval ang kalabtim ni Aljur Abrenica kundi si Cindy Miranda sa pelikulang ginawa nilang tatlo, mainit naman ang tsikang may namamagitan daw sa dalawa na pinagtibay ng isang larawan na naka-topless si Aljur na nagkakape sa veranda habang nakasilip sa isang kuarto sa itaas niya. Sa naturang kuarto ay andun si AJ Raval.

Nang makarating sa kaalaman ng dalawa ang tsika ay agad itong itinanggi ni Aljur, samantalang tinawanan lang ni AJ ang isyu sa kanilang dalawa. Dahilan na kabagu-bagong hiwalay lang ni Aljur at ng misis niyang si Kylie Padilla ay hindi maiwasan ng aktres na matanong hinggil sa relasyon umano ni Alur at ng baguhang sexy star.



Tsika pa ngang si AJ raw talaga ang third party sa hiwalayan blues ng mag-asawa.

Hindi na nga binitin pa ni Kylie ang kanyang saloobin hinggil sa panibahong babae sa buhay ng mister at ama ng kanyang 2 anak na lalake. Idinaan ni Kylie ang kanyang tugon sa personal social media account niya sa pagsasabing wala raw isyu sa kanila ni Aljur pagdating sa pagkakaroon ng third party.

Maayos daw nila itong pinag-usapan at napagkasunduan na wala na raw pakialaman kung meron man bago sa bawat isa. Say nga ni Kylie sa kanyang Twitter account:

“Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left.”

Keber at paki ni Kylie kung sinuman ang babae ngayon ng mister na si Aljur.



***

HINDI nga ganun kadali para kay Lovi Poe na iwan ang network na humubog at nagpasikat sa kanya, ang Kapuso Network, at lumundag sa panibagong mother network, ang Kapamilya Network.

Masusi niya tong binusisi hanggang sa marating na nga niya ang isang desisyon, ang maging Kapamilya na.

“Yes of course it’s important to weigh things out, and all but I guess, it’s also important to know and believe in yourself and believe in the people who give you their full trust and just you know, just go for it. Jump and fly,” pahayag ni Lovi.

Nakatakdang gawin ni Lovi ang Pinoy adaptation ng hit na K-Drama “Flower of Evil” katambal ang loyal na  Kapamilya star Piolo Pascual.

“Sobrang pasasalamat ko na the first project that I’m doing is of course with Mr. Piolo Pascual and then, there’s so much more to come,” say pa rin ni Lovi.

Sa sinabi ni Lovi na ‘more to come’ ay inihayag ng aktres ang kanyang nais na proyektong magawa sa Kapamilya Network, heto ay ang makagawa ng action series. Sa loob kasi ng mahaba habang panahon na nilagi ni Lovi sa showbiz ay hindi pa siya nakagawa ng isang action serye at ito ang nais niyang magawa sa Kapamilya Network.

Nagkataon lang na bago magkapirmahan ng kontrata ay inilatag na ng Kapamilya Network ang kanilang unang proyektong ipagagawa sa aktres.

“I haven’t done an action series…Of course happy ako na I’ve been doing drama. I’ve done romantic comedies somehow but, isang hindi ko pa nagagawang genre is action so ‘yan ang gusto kong gawin,” dagdag pa ni Lovi.