Advertisers

Advertisers

Robin at Kris sabay nag-post nang nakahubad sa IG; Boy todo-deny na lulundag na ng Siyete

0 669

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

ITINANGGI ni  Boy Abunda ang balitang lilipat/babalik siya sa GMA pero inamin na may naganap na pag-uusap sa  mga tao na konektado sa Kapuso  at  maging sa TV 5.

“Wala namang offer sa akin ang Channel 7, but  I  have been  in discussion  with  various  parties. Including  people  who are affiliated with 7.



“I`ve  been  offered  by other channels. I`ve been asked  by people  affiliated  with TV 5.  I`ve been negotiating with other independent  producers  to do talk shows,” say ni Kuya Boy sa panayam sa kanya ni Mario Dumawal, aired last Wednesday ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Kuya Boy, hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng Kapamilya Network on free TV.

“I`m  still  waiting for ABS  to have  free  TV.  Even  that  is going to be a very painful  decision. I  will  wait,” aniya.

“Halimbawa,  free TV ang ABS, we wouldn`t  even  be talking about  this.  Yun lang naman ang inaantay ko. I  wanna go back  to television. I miss  television, I  miss doing my talk shows  in television,” patuloy pa ni Kuya Boy.

“Kung  walang-wala na talaga, eh di maga-apply na ako sa iba na sinabayan ng tawa. Pero sa ngayon, hindi  totoo  yun,” dagdag pa ni Kuya Boy.



Dahil sa lumabas na isyu na may offer  sa kanya ang Kapuso Network kahit wala naman talagang offer sa kanya ay sinabi niyang  nahihiya siya sa GMA 7.

Kung  itatanong daw sa kanya na may nangyari ba nung nakipag-usap sa kanya noon ang GMA 7, ang sagot niya ay yes.

“Pero nothing happened, nothing came out  of  it  because, too early  in the game. Ang sinasabi ko, nag-aantay ako hanggang magkaroon ng prangkisa ang ABS-CBN,” aniya.

***

MARAMING naaliw sa ipinost na video ni Robin Padilla sa Instagram dahil parang nagsabay pa sila ni Kris Aquino sa paghuhubad.

Si  Kris kasi ay mistulang may pa-nude photo sa banyo sa kanyang IG samantalang si Robin ay naka-topless din sa banyo na naglalaba pala ito.

Makikita sa video na naka-topless si Robin habang nilalabhan ang pawisang damit na kanyang ginamit sa work-out  gamit ang kanyang paa. Pagkatapos labhan ay makikitang sinasampay na niya ito.

“Quarantine  life. Hindi ko malilimutan ang mga training na ipinamana sa akin ni master/Kru Roberto  Valdez (MAP/YAWYAN)  sabi niya na ang martial arts ay hindi  binubuo  lamang ng art of fighting, may kapartner din itong disiplina.

“Ang mga ginagamit mo sa training hindi  yan  dapat  bumabaho  o  pinalalaba mo sa iba. It  is  a relationship  between you and your  training gear” (mahilig mag english si master) walang fighter na amoy paa.

“Kaya nakaugalian ko na tuwing hapon  ibabad  ko na ang pawisan  kong ginamit  sa sabon at pagkatapos ng dasal, nilalabhan ko na ito gamit ang paa (kailangan paa kasi may coordination, movement pa rin yun at balancing, siguraduhin  na may mahahawakan  kapag na-out  balance sa dulas ng sabon) pagkatapos nito ay isampay na.

“Matagal  naitago ang mga hand wrap ko siguro  mga 10 years na dahil  hindi na ako gumagamit  nito mula  nang  tumigil  ako sa punching bag  at  lumipat  sa Slam Man.

“Si robinhood jr  pa ang gumamit  ng  isang pares nito noong  nagboxing  training siya kay URCC champ Caloy  Baduria sa elordes ilang  taon na ang nakalipas.

“Sayang ang mga ito may extra  dito na 2 pares na handwrap at  2 pares  na knee  pads, 2nd   hand na ito  pero matibay pa ito kung sino ang interesado na taga-Manila lang  ipamoto  express  ko sa inyo,”  mahabang  caption ni Robin.

Makikita naman ang comment ni Mariel sa commen section ang katagang, “Yay!!  Magaling ka talaga mag laba even in europe  ikaw tlaga laba ko ahhahaha.”