Advertisers

Advertisers

Kailangan pa ba talaga ang UP Security Bill

0 253

Advertisers

‘YAN ang naitanong sa akin ng mga nakausap kong mga magulang na ang mga anak ay nagsisipag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Dahil sa kanilang pagkaka-alam mismong ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND) ay pinawalang bisa na ang dating kasunduan na gaya ng panukalang batas.

‘Bakit daw nagkukumahog ang ating mga mambabatas na buhayin ang kasunduan at sa halip ay gawing batas pa ito?’, ang kanilang pangalawang tanong sa akin.

Ang sagot ko naman ay ito – ang naghain ng panukala ay hindi naman talaga mambabatas, kung di mga kaalyado o tao mismo ng komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).



Ang nilalaman kasi ng dating kasunduan na “UP-DND Accord of 1989” at ang House Bill 10171 o’ UP Security Bill ay mga paikot lamang ng mga komunistang-terorista sa pamahalaan. Pinagbabawalan nito ang military, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang kapulisan, Philippine National Police (PNP) na basta-basta na lang papasok sa mga campuses ng unibersidad saanmang bahagi sa ating bansa.

Iisa ang tanging pakay, ang di mapaki-alaman ng pamahalaan ang mga gawain ng mga komunistang-terorista, gaya ng panghihikayat sa mga estudyante nito, gamit ang kanilang mga ‘front organizations’ na sumanib sa kanilang samahan. Maproprotektahan din nito ang mga pinaghahanap ng batas sa pagtatago sa mga UP campuses.

Sa madaling sabi, tanging mga kriminal at mga komunistang-terorista lamang ang makikinabang sa itinutulak na panukalang batas at hindi talaga mga estudyante ang binibigyan ng seguridad dito.

Napakasimple kung tutuusin, ngunit tila hindi naintindihan ng karamihan sa ating mga representante sa Kamara ang agarang nilang dinisisyunang panukala, dahil mayorya ang pumayag agad na maisabatas ito at dadalawa lamang ang natira, ang isa ay kumontra at ang isa naman ay di naggawad ng kanyang desisyon.

Lumalabas, napaikutan din ang ating mga mambabatas ng mga komunistang-terorista na sinasabing mga representante sila ng mga taong bayan na naaapi, kababaihan at kabataan at mga manggagawa.



Sa dami ng mga deputado dyan sa Kongreso ay napalusot pa ito. Iisa lang ba ang ibig sabihin nito? – Na hindi ginagampanan ng ating mga deputado ang kanilang trabaho.

Ngayon, sa kanila natin itanong, kailangan pa ba talaga ang UP Security Bill?