Advertisers

Advertisers

‘Sabit ang Pangulo sa PS DBM-Pharmally scam’

0 279

Advertisers

ITO ang gusto palabasin ni Senate Blue Ribbon Commitee chairman Senador Richard Gordon.

Sa patuloy na pagdinig ng Senado sa bilyon bilyong pisong overpriced medical supplies partikular facemasks at faceshields na kinasasangkutan ng Procurement Service ng Department of Budget (PS DBM) at baguhang kompanyang Pharmally, nabuking ang mga kalokohan ng kompanya katulad ng pag-deliver ng expire na faceshields. Mismong staff ng kompanya ang nagbulgar.

Sabi ni Gordon, hindi mangyayari ang lahat ng ito sa pagitan ng gobyernong Duterte at Pharmally kung wala si Michael Yang, ang Chinese na dating economic adviser ni Pangulong Rody Duterte na obviously ay bagyo ang dating sa Pangulo.



Oo! Grabe ang depensa ni Pangulong Duterte rito kay Michael Yang. Sinabi pa niyang magkakaroon ng constitutional crisis ‘pag pinaaresto si Michael Yang at mga opisyal ng Pharmally. Tsk tsk tsk…

“Pharmally issue won’t happen if not for Duterte and his Chinese friends”, diin ni Gordon. “Maling sabihin ng Pangulo na magkakaroon ng constitutional crisis para lang kay Michael Yang!”

Oo nga naman… Bakit ganun nalang, abot-langit ang pagdedepensa ni Pangulong Duterte kay Michael Yang na “tainted” ang pagkatao?

Hindi nga ba’t kasama ang pangalan ni Michael Yang sa “drug list” ni dating anti-drugs police official Colonel Eduardo Acierto?

Sa isang post ng veteran columnist at bespren ni Pangulong Duterte na si Ramon Tulfo ay sinabi nitong si Michael Yang ay kinamumuhian ng kanyang mga kapitbahay sa isang high-end subdivision sa Makati City dahil ubod ng iingay ang bodyguards nito na tila pag-aari nila ang buong lugar, walang kinatatakutan, dahil daw siguro sa tindi ng kapit nito sa Pangulo.



Hanggang ngayon, sa bawat pagsalita sa publiko ni Pangulong Duterte ay dinudurog niya ang Senado partikukar si Gordon at ipinagtatanggol ng todo todo sina Michael Yang at dating DBM Usec. Christopher Lao, ang nakipag-deal daw sa Pharmally kasama si Yang.

Sabi naman ni Senate President Tito Sotto, tila gusto pang palabasin nitong mga iniimbestigahan sa katiwalian na ang Senado ang imbestigahan. Mismo!

Actually, naging istayl na ni Pangulong Duterte na ibinabalik sa mga nag-aakusa ang bawat isyu na ibinabato sa kanyang administrasyon. Since day 1 nila sa Malakanyang, sa bawat isyu ng katiwalian sa kanyang mga political appointee, kaagad niya itong sinasalo, nililinis at binabaliktad. Kaya tama ang sabi ng kanyang mga kritiko: “Peke ang kampanya ni Duterte laban sa katiwalian at droga”. Mismo!

Dahil kung tunay si Pangulong Duterte sa kanyang mga ipinangako noong 2016 na wawakasan, ipakukulong niya ang mga korap, dili sana’y naipakulong na niya ang mga opisyal niya na maliwanag pa sa sikat ng araw na sangkot sa bilyon-bilyong kawalanghiyaan!

Ano ba ang nangyari sa dating pangulo ng PhilHealth, dating PCSO Chairman, dating Tourism Secretary, ang mga inilagay niya sa Customs na nasangkot sa shabu smuggling, mga ‘kumpare’ niyang isinasangkot sa droga, at iba pa? Waley!

Tapos dito sa multi-billion PS DBM-Pharmally scam, sa halip na paimbestigahan at pakasuhan, inabogado pa. Ewan! Bawi tayo sa 2022. Gising!