Advertisers
Kulong ngayon ang isang myembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) nang mahuli na nagbebenta ng mga baril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na si Akay Awa, 50 anyos; at Arbaiya Awa, 44, mga residente ng Barangay Manion Parang Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao, na nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Regional Special Operation Group ng PNP-BAR, Sultan Domalondong MPS, PIU-Maguindanao at 1404th RMFC sa tirahan ng mag-asawa.
Nakuha sa loob ng bahay ng mga suspek ang isang M16 Armalite rifle, dalawang M14 rifles, isang kalibre.45 na pistola, mga bala at magasin.
Narekober rin ang perang nagkakahalaga ng 280,000.00 pesos, IDs, 2 cellphone at ibang mga personal na kagamitan.
Sa ngayon, nakapiit na ang mag-asawa sa costudial facility ng Parang MPS at sasampahan ng kasong illegal possession of firearms.