Advertisers

Advertisers

Pagsabog sa Bicol University pinaiimbestigahan

0 245

Advertisers

INATASAN na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang Police Regional Office 5 para gawin ang malalimang imbestigasyon sa dalawang magkakasunod na pagsabog na nangyari sa loob ng Legazpi City campus ng Bicol University noong linggo ng gabi.

Sinabi ni PGen Eleazar, “Nagbaba na ako ng kautusan sa RD, PRO5 PBGen Jonnel Estomo na tutukan ang imbestigasyon at tiyakin na mapapanagot ang may gawa nito lalo na at ang Bicol University Legazpi campus kung saan naganap ito ay nasa tapat lamang ng Regional Headquarters ng PNP.”

Batay sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni PGen Eleazar, nangyari ang pagsabog 6:30 ng gabi na mabilis naman nirespondehan ng PNP Explosives and Ordnance Group.



Masuwerte naman walang napaulat na nasawi o nasugatan sa nangyaring mga pagsabog.

Sinabi din ng PNP Chief na wala mang masyadong aktibidad ng mga estudyante at mga guro sa loob ng campus dahil sa pandemya, kailangang alerto pa rin ang ating kapulisan laban sa mga ganitong uri ng pag-atake.

Nanawagan din si Eleazar sa iba pang may nalalaman na impormasyon tungkol sa nangyaring pagsabog na agad makipag-ugnayan lang sa mga otoridad na nagsasagawa ng imbestigasyon para na rin sa ikalulutas ng kaso.(Koi Laura)