Advertisers
Pormal nang ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na personalidad na may kinalaman sa nadiskubreng bulto-bultong barya na aabot sa P50 milyon nitong Biyernes, Oktubre 1, sa Quezon city.
Ayon sa NBI, wala pang lumulutang na nagmamay-ari ng mga barya na may denominations na P1, P5 at P10 na una nang binanggit ng Bureau of Customs.
Makikipag-ugnayan na rin ang dalawang ahensya sa Bangko Sentral ng Pilipinas at sa Money Laundering Council kaugnay sa mga katanungan sa gagawing imbestigasyon gaya nang kung sino ang may-ari nito at saan nanggaling o source ng mga barya.
Samantala ang mga luxury cars naman, inaalam pa kung imported o hindi ito.
Titignan din ng NBI kung nagbayad ng tamang customs duties ang may-ari ng nasabing magagarang sasakyan.
Ayon Atty. Manuel Eduarte, hepe ng NBI Anti Organized and Transnational Crimes Division, ang mga plaka na nakakabit sa mga sasakyan, lehitimo base sa rekord ng Land Transportation Office (LTO).
Magkasamang nadiskubre ang mga barya at luxury cars sa isang bahay sa Quezon City. (Jocelyn Domenden)