Advertisers

Advertisers

Bangkay ng taxi driver ibinasura sa damuhan sa Bulacan

0 217

Advertisers

Bulacan – Isang bangkay ng 52 anyos na taxi driver ang natagpuan sa isang madamong lugar sa San Jose Del Monte, Bulacan nitong Miyerkoles ng umaga (October 6).

Kinilala ang natagpuang bangkay na si Edgardo Quiap y Duterte, residente ng Quezon City.

Sa report ng SJDM police, natagpuan ang bangkay 6:35 ng umaga nitong Miyerkoles sa Fabian Cadiz road, Brgy. Kaypian.



Sa ulat, isang concerned ang nakakita ng lalaking nakadapa sa madamong lugar.

Inakala nitong nakatulog lamang ang lalaki sa damuhan kaya nilapitan at sinubukang gisingin ito.

Hindi sumasagot ang lalaki kaya naghinalang patay na ito kaya ipinalaam niya agad sa hepe ng barangay ang insidente.

Agad na rumesponde ang mga tanod sa lugar kaya naberipika na patay na ang lalaki kaya ini-report nila sa pulisya.

Nakilala ang bangkay ng mga awtoridad base sa kagamitan niya at matawagan ang anak nitong si Angela kaya naberipika.



Sa salaysay ni Angela, nalamang umalis at bumiyahe ang kanyang ama ng taxi sa gawing Fairview Quezon City.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, pangangalap ng CCTV footages at posibleng saksi sa krimen.