Advertisers

Advertisers

Rapist sa Taguig, tiklo sa Cagayan

0 268

Advertisers

CAGAYAN – Naghihimas na ng rehas na bakal ang binata na may kasong panggagahasa o rape at nasa Top 7 Most Wanted Person o TMWP Regional Level ng Women and Children Protection Desk (WCPD) dito sa region 2 at Top 14 Most Wanted Person ng Taguig City nang maaresto ng mga otoridad sa Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Pompeo Dela Cruz, 24 anyos at residente ng Barangay Natappian East, Solana, Cagayan.

Sa ulat, naaresto si Dela Cruz ng pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng Solana Police Station, Regional Group on Special Concer (RGSC), Lasam Municipal Police Station, Taguig City Police Station, Provincial Intelligence Unit, Cagayan Police Provincial Office, 142 Special Action Company 14 Special Action Battalion ng PNP SAF at Regional Intelligence Unit 2 ng isilbi ang kanyang warrant of arrest.



Taong 2018 nang gahasahin ng suspek ang biktimang 17-anyos.

Habang todo tanggi ang suspek sa akusasyon sa kasong isinampa laban sa kanya, di umano niya kilala ang nasabing biktima.

Ang mandamiento de aresto laban kay Dela Cruz ay inilabas ni Presiding Judge Bryron Gabbaut San Pedro ng NCJR Branch # 15 ng Taguig City para sa kasong Rape o Violation of Article 266-A of the Revised Penal Code as amended by RA 8353 in relation to RA 8369 noong Setyembre 6, 2021 at walang inirekomendang piyansa para sana sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantala nasa kustodiya ng Solana Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa korte na may hurisdiksyon sa kanyang kasong kinakaharap. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">